Mga Naunang Edisyon
Mangakong Gawin


Mangakong Gawin

arrow-brown

Paano ako magkakaroon ng progreso araw-araw?

Oras:I-set ang timer nang 10 minuto para sa pahinang ito .

Basahin nang malakas sa action partner mo ang ipinangako mong gawin. Mangakong gagawin ang mga ipinangako mo! Lumagda sa ibaba.

ANG AKING MGA PANGAKO

Tutuparin ko ang bago kong ipinangakong gawin tungkol sa trabaho na pinili ko ngayon:

Gagawin ko ang alituntunin sa My Foundation na pinag-aaralan ngayon at ituturo ito sa aking pamilya.

Magdadagdag ako sa aking ipon—kahit kaunti lang.

Ang aking lagda

Paano ako patuloy na magiging self-reliant?

Oras:I-set ang timer nang 20 minuto para sa pahinang ito lamang.

Basahin:Magpunta sa pahina 28 ng My Foundation booklet para gawin ang huling activity at magplano ng isang service project bilang isang grupo. Kapag tapos na, bumalik dito.

Congratulations! Natapos natin ang workbook na ito at maraming nagawang pagpapahusay at pagpapabuti. Tayo ay mas nagiging self-reliant na!

Ang grupo ay maaari pa ring patuloy na magmiting sa mga darating na linggo para suportahan at hikayatin ang isa’t isa kung nais natin.

Upang patuloy na mapag-ibayo ang inyong self-reliance, maaari kayong:

  • Mag-volunteer at maglingkod sa self-reliance center na malapit sa inyo. (Isang dahilan bakit nais nating maging self-reliant ay para makatulong sa iba. Ang makapaglingkod sa iba ay isang malaking pagpapala.)

  • Patuloy na makipag-usap sa inyong grupo. Patuloy na suportahan at hikayatin ang isa’t isa.

  • Patuloy na dumalo sa mga self-reliance devotional.

  • Patuloy na makipag-ugnayan sa inyong action partner. Suportahan at hikayatin ang isa’t isa.

Patuloy akong magkakaroon ng progreso sa pamamagitan ng paggawa at pagtupad ng mga pangako.

Ang aking lagda

Basahin:Magtatapos na tayo sa isang panalangin.

Tumatanggap ng Feedback

Mangyaring ipadala ang inyong mga ideya, feedback, mungkahi, at mga karanasan sa srsfeedback@ldschurch.org.

Paalala sa Facilitator:

Alalahaning ireport ang progreso ng grupo sa srs.lds.org/report.

Mga Tala