Pag-aralan
Ano ang “Hidden” Job Market?
-
Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.
-
Panoorin:“Tumingin sa Mababa Lang ang Kumpetisyon” (Walang video? Basahin ang pahina 48.)
-
Basahin:Basahin natin nang sabay-sabay ang mga salita sa fishing diagram sa ibaba. Ang mga isda ay kumakatawan sa trabaho. Pansinin kung saan naroon ang karamihan sa mga isda, o kung saan matatagpuan ang mas maraming trabaho.
-
Talakayin:Sino ang makakahuli ng pinakamaraming isda? Bilugan ang taong iyon. Nasaan ang “hidden” job market?
-
Basahin:Mas maraming oportunidad sa hidden job market kaysa sa traditional job market. Saan tayo naghahanap ng trabaho? Saan tayo dapat naghahanap ng trabaho?
Trabahong naka-post sa mga ads o sa Internet
Alam ng lahat ang trabaho—mataas ang kumpetisyon
Trabahong makukuha sa gobyerno o pribadong job-placement services
Maraming tao ang nakakaalam sa trabaho—medyo mataas ang kumpetisyon
Trabaho na balak ng kumpanya na huwag nang ipaanunsyo
Kaunti lang ang nakakaalam—mababa ang kumpetisyon
Trabaho na maaaring hindi na ipapaanunsyo o malalaman lang sa kakilala ng isang tao
Walang nakakaalam—walang kumpetisyon
-
Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko mapapasok ang “hidden” job market?
GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Makipag-usap nang harapan sa mga potential employer.
Sa miting na ito, mag-aaral at magsasagawa tayo ng mga skill para matulungan tayong masagot ang tanong na ito at magawa ang mahalagang aksyong ito.
Nasaan ang hidden job market?
-
Panoorin:“Mga Pinakaproduktibong Sources” (Walang Video? Basahin sa pahina 48.)
-
Basahin:May ilang job search strategy na mas epektibo kaysa iba. Sa ilang bansa, ang bilang ng mga taong nakakahanap ng trabaho ay maitutulad sa chart sa ibaba. Maaaring iba sa lugar ninyo.
-
Praktisin:Bilang grupo, sagutin ang mga tanong na ito:
-
Sa chart na ito, anong pamamaraan ang ginagamit ng karamihan sa paghahanap ng trabaho?
-
Anong pamamaraan ang pinakaepektibo sa paghahanap ng trabaho?
PARAAN
LUGAR NA KADALASANG PINAGHAHANAPAN NG MGA TAO NG TRABAHO
LUGAR NA TALAGANG NAKAKAHANAP ANG MGA TAO NG TRABAHO
Advertisements/Internet
65%
14%
Gobyerno o pribadong job placement services
27%
21%
Personal na pakikipag-ugnayan sa mga kumpanya
3%
30%
Word of mouth (personal na kakilala at mga referral)
5%
35%
Ito ang hidden job market. Magpokus dito at iwasan ang 92% ng kumpetisyon!
Pero huwag ninyong balewalain ang mga opsyong ito, at baka mapalampas ninyo ang 35% ng mga trabaho!
-
Paano ko mapapasok ang mga hidden job market?
-
Basahin:Nasa atin na ang mga susi sa hidden job market na ito! Kailangan lang ng personal na pakikipag-ugnayan. At magagawa natin ang pinakamahuhusay na personal na pakikipag-ugnayan sa paggamit ng ating (1) “me in 30 seconds” at ating (2) power statements sa pamamagitan ng ating (3) lumalaking network. Tulad ng natutuhan natin sa huling miting natin, kabilang sa network natin ang mga taong kilala natin at ang mga kakilala nila.
-
Panoorin:“Pagbubuo ng Network Mo” (Walang video? Basahin ang pahina 49.)
-
Talakayin:Ginamit ba ninyo ang inyong “me in 30 seconds” at power statements mula noong huling miting natin? Hiniling ba ninyo sa mga kakilala ninyo na kausapin ang kanilang mga kakilala para sa inyo?
-
Praktisin:Ang grupo natin ang unang mapagkukunan ng networking. Simulan na nating palawakin ang network natin ngayon mismo! Basahin ang mga instruksiyon sa ibaba at magsimula:
-
Tumayo at humarap sa katabi mo.
-
Sabihin sa kaharap mo ang iyong “me in 30 seconds” at tapusin ito sa dalawang tanong: “Sa palagay mo sino ang makakatulong sa akin na makahanap ng mga contact?” “Maaari mo bang kausapin ang mga taong iyon at humingi ng tulong sa kanila?”
-
Isulat ang mga contact sa network list sa kasunod na pahina at tanungin ang kausap na bigyan ka pa bago ang susunod na miting kapag may naisip pa sila.
-
Pagkatapos ay magpalitan kayo ng role at gawin itong muli.
-
Lumibot at gawin ito sa iba pang mga kagrupo.
-
Sumulat pa ng maraming contact kung maaari sa kasunod na pahina.
-
Pagkatapos ng miting natin, gawin ito sa ibang taong kilala mo.
-
Sa column na Priyoridad, lagyan ng numero mula 1 hanggang 20 ang bawat taong kokontakin ninyo.
NETWORK LIST
Pangalan
Contact Information (telepono, address, email)
Priyoridad
-
-
Basahin:Bago ang susunod na miting natin, kokontakin natin ang mga taong ito, pati na ang iba pa nating kakilala at ang kanilang mga kakilala. Patuloy tayong magdadagdag sa ating listahan. Sa pagkontak natin sa mga taong ito, gagamitin natin ang ating power statements para ipakita sa kanilang lahat kung ano ang magagawa natin para sa kanila!
Maaari nating kausapin ang mga taong ito at marami pang iba!
-
Mga kaibigan
-
Mga kamag-anak
-
Mga kapitbahay
-
Ang mga miyembro ng Simbahan
-
Mga kalaro natin sa sports
-
Mga dating kasamahan sa trabaho
-
Paano ko kakausapin ang mga manager na naghahanap ng trabahador o empleyado?
-
Basahin:Maaari nating malaman ang mga kumpanyang naghahanap ng aplikante sa pamamagitan ng networking. Pero kailangan nating mahanap ang taong nagpapasiya kung sino ang tatanggapin sa trabaho.
-
Praktisin:Magpraktis tayo bilang grupo.
-
Mag-assign ng isang taong gaganap na job seeker. Ang taong ito ay dapat handang magbigay ng kanyang “me in 30,” isang tanong, at isang power statement sa kanyang employer.
-
Mag-assign ng dalawa pang tao na gaganap na mga employee: employee 1 at employee 2.
-
Mag-assign ng isa pang tao na maging manager.
-
Patayuin ang apat na tao. Babasahin ng facilitator ang unang linya sa role play na ito. Pagkatapos ay babasahin ng iba ang mga linya nila.
-
Facilitator: Papasok ang job seeker na ito sa isang tindahan o opisina kung saan niya gustong magtrabaho. Kinausap niya ang unang empleyadong makita niya.
-
Job Seeker: Hello. Sino ang manager na naka-duty ngayon?
-
Employee 1: Ah, si Mr. Valenzuela, pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Puwede mong tanungin ang assistant niya.
-
Job Seeker: Salamat. [Kakausapin si employee 2.]
-
Job Seeker: Hello. Puwede ko bang malaman kung nasaan si Mr. Valenzuela?
-
Employee 2: May kinuha lang siya. Babalik siya agad. O, hayan na siya.
-
Job Seeker: Ay, salamat. Salamat. [Kakausapin si Mr. Valenzuela.]
-
Job Seeker: Mr. Valenzuela, good morning. Ako po si ________ [pangalan]. [Sasabihin ang “me in 30 seconds” at magtatapos sa tanong.] Paano po makakatulong sa negosyo ninyo ang skills ko?
-
Manager: Ang totoo niyan, naghahanap na kami ng taong katulad mo. May isang minuto lang ako. Sabihin mo nang mabilis ang tungkol sa sarili mo.
-
Job Seeker: [Magbibigay ng angkop na power statement.] Alam kong busy kayo. Kailan po tayo mas makakapag-usap nang matagal, ngayong hapon o bukas?
-
-
Talakayin:Kung sinabi ng manager na “hindi” o “bumalik mamaya” o “mag-fill out ng application,” ano ang puwedeng sabihin ng job seeker?
-
Basahin:Kailangan nating umakma sa bawat sitwasyon.
-
Praktisin:Tumayo at bumuo ng mga grupo na may tig-apat na miyembro. Ulitin ang role play para magkaroon ang lahat ng pagkakataon na maging job seeker.
-
Basahin:Mayroon na tayong ilang epektibong mga tools sa ating mga contact: “me in 30 seconds,” power statements, at pakikipag-usap sa manager. Maaari din ninyong gawing positibo ang negatibo sa pahina 33.
-
Talakayin:Paano ninyo gagamitin ang mga tools na ito para magkaroon ng produktibong pag-uusap bago tayo muling magmiting?
-
Praktisin:Magpunta sa pahina 50 at magsalitan sa pagbasa ng mga paraan na mairekord at ma-monitor ang paghahanap ng trabaho. Pagkatapos ay bumalik dito.