Mga Naunang Edisyon
Pambungad


Pambungad

Matutulungan ba ako ng grupong ito na makahanap ng trabaho?

Hindi madaling humanap ng trabaho, pero tutulungan ka ng self-reliance group na ito na matutuhan ang pinakamahusay na paraan para makahanap ng trabaho at magtagumpay. Sa mga miting ng grupo, mangangako kang gagawin ang ilang partikular na gawain, at bibigyan ka ng grupo ng mga ideya at palalakasin ang loob mo. Ang mithiin ng grupong ito ay hindi lang para tulungan kang makahanap ng trabaho; ito rin ay para tulungan ka na mas sumunod at manampalataya sa Panginoon at tumanggap ng Kanyang ipinangakong mga pagpapala na self-reliance sa temporal at espirituwal.

Ano ang self-reliance group?

Ang self-reliance group ay iba sa karaniwang klase, lesson, at workshop sa Simbahan. Walang mga guro, lider, o trainer dito. Ang mga miyembro ng grupo ay magkakasamang natututo at sinusuportahan at hinihikayat ang isa’t isa. Itinuturing nating responsibilidad ng bawat isa ang mga ipinangako nating gawin at nagpapayuhan tayo para solusyunan ang mga problema.

Ano ang ginagawa ng mga group member?

Sa mga miting, ang mga group member ay nangangako na kikilos. Hindi lang tayo nag-aaral kundi ginagawa rin ang mga bagay na tutulong sa atin na maging self-reliant. Nangangako tayo, tinutulungan ang isa’t isa na matupad ang mga pangakong iyon, at nagrereport ng progreso natin. Dahil ang grupo ay kumikilos bilang isang council, mahalagang dumalo sa mga miting nang regular at nasa oras. Palaging dalhin ang workbook na ito, ang mga booklet na My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance), at My Foundation: Principles, Skills, Habits (Ang Aking Saligan: Mga Alituntunin, Kasanayan, Gawi). Ang bawat miting ng grupo ay tatagal nang mga dalawang oras. Ang paggawa ng ating mga ipinangakong gagawin ay aabot nang isa o dalawang oras kada araw.

Ano ang ginagawa ng facilitator?

Ang mga facilitator ay hindi mga eksperto sa trabaho o pagtuturo. Hindi nila pinamumunuan o tinuturuan ang grupo. Tinutulungan lang nila ang grupo na sundin nang eksakto ang mga materyal ayon sa nakasaad rito. Ang self-reliance specialist ang karaniwang facilitator sa mga miting ng grupo; gayunpaman, maaaring mag-assign ng mga group member para maging facilitator makaraan ang ilang linggo, kung kinakailangan. Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang Leader Guider at mga kasamang video sa srs.lds.org.

Certificate of Completion

Ang mga group member na nakadalo sa mga miting at tinupad ang kanilang mga pangako ay kwalipikadong tumanggap ng self-reliance certificate mula sa LDS Business College. Tingnan sa pahina 29 sa My Foundation para sa mga requirement.