Mga Naunang Edisyon
Magreport


Magreport

Larawan
circling arrows-red

Tinupad ko ba ang mga pangako ko?

Oras:I-set ang timer nang 20 minuto para sa section na Magreport.

Talakayin:Basahin ang quotation sa kanan. Paano ito naaangkop sa aming grupo?

Praktisin:Ireport natin ang mga ipinangako nating gawin. Mangyaring tumayo ang mga tumupad sa lahat ng kanilang mga ipinangako. (Palakpakan ang mga tumupad sa lahat ng kanilang mga pangako.)

Basahin:Ngayon, magsitayo ang lahat. Kailangan nating sikaping tuparin ang lahat ng ating mga pangako. Iyan ang isa sa mga pag-uugaling dapat taglayin ng mga taong self-reliant.

Habang nakatayo pa tayo, sabihin natin nang sabay-sabay ang ating theme statements. Ipinapaalala sa atin ng statements na ito ang layunin ng ating grupo:

Basahin:Magsiupo tayo.

Talakayin:Ano ang natutuhan ninyo sa pagtupad sa mga ipinangako ninyo? Paano tayo maaaring makatulong? Payuhan at tulungan natin ang isa’t isa sa paghanap ng trabaho. Ito ang pinakamahalagang tatalakayin natin sa miting na ito!

Ano ang natutuhan ninyo sa pagsasabi ng “me in 30 seconds” sa mga tao? Pinaganda ba ninyo ito? Isinulat ba ninyo ang mga contact ninyo at nag-follow-up?

May sumubok ba sa inyo ng Accelerated Job Search? May mga resulta ba?

Print