Matuto
Ano ang gagawin natin sa grupong ito?
-
Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.
-
Basahin:Para maunawaan ang layunin ng self-reliance group na ito, pumunta sa inside front cover ng workbook na ito at basahin ang pambungad.
Narito tayo para tulungan ang isa’t isa na makahanap ng mga bagong trabaho o mas magandang trabaho. May mas malaking mithiin din tayo: ang maging self-reliant para mas mapaglingkuran natin ang iba.
-
Praktisin:Ang mga nagsasagawa ng mga alituntunin na pag-aaralan natin ay kadalasang nakakahanap agad ng trabaho. Kaya sulit ito! Magpunta sa Job Search Success Map sa huling pahina ng workbook na ito at magsalitang basahin ito.
-
Basahin:Bawat araw, pagbubutihin natin ang paghahanap ng trabaho. Simula ngayon, magpopokus tayo sa pagsagot ng anim na tanong sa Job Search Success Map para sa ating sarili. Gagawa tayo ng mga pangako, kikilos, at irereport ito sa grupo. Sama-sama tayong magtatagumpay!
Kahit nakahanap na tayo ng trabaho, patuloy pa rin tayong pupunta sa mga miting ng grupo para pag-aralan at gawin ang mga alituntunin sa Foundation. Patuloy nating tutulungan ang ating mga kagrupo at tutulungan din tayo ng grupo sa mga hamon natin sa paghahanap ng trabaho.
Narito ang tanong at gagawin sa linggong ito.
-
Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ako makakahanap ng mga tamang job opportunity?
GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Ihanda at praktisin ang “me in 30 seconds” at iparinig ito sa lahat ng dapat makarinig nito. Isiping gawin ang Accelerated Job Search (opsyonal na aktibidad).
Tutulungan tayo sa miting na ito na sagutin ang tanong na ito at gawin ang mga aksyong ito.
-
Praktisin:Gawin muna natin ang unang aksyon bilang grupo. May limang minuto tayo para magpasiya kung ano ang itatawag natin sa ating grupo.
Isulat ang pangalan ng grupo sa ibaba:
Ano ang maipapakita kong mga katangian?
-
Talakayin:Naranasan mo na bang mahiyang magsabi sa mga tao na kailangan mo ng trabaho?
-
Basahin:Hindi tayo dapat mag-alala! Kinailangan ng lahat ng tao ng trabaho. Lahat tayo ay may kani-kanyang talento at karanasan. Bukod pa riyan, tayo ay mga anak ng Diyos. Lahat tayo ay maaaring magtagumpay! Kailangan nating sabihin sa lahat na kailangan natin ng magandang trabaho at karapat-dapat tayo rito!
-
Praktisin:Bumuo ng mga grupo na may tig-tatlong miyembro. Ayusin nang magkakaharap ang mga silya ninyo, at gawin ang sumusunod.
-
Isa sa inyo ang magsasabi sa iba ng kahit isang accomplishment ninyo. Iklian lang! Puwede ninyong sabihin na: “Nagawaran ako ng ‘best service’ award sa trabaho,” o “Naglingkod ako sa mission” (o ibang tungkulin sa Simbahan), o “Ako ay isang ina.”
-
Ngayon, sasabihin sa inyo, nang mabilis hangga’t maaari, ng dalawang kagrupo ninyo kung anong mga kasanayan at kakayahan ang kailangan para magawa o makamit iyan. Kung sinabi mong, “Nagmisyon ako,” puwedeng sabihin kaagad ng iba na, “Kung gayon malakas ang loob mo, magaling kang estudyante, masipag, isang lider, social worker, may mithiin sa buhay, marunong makisama sa tao, isang guro, mahusay magplano, at kayang gumawa ng mahirap na bagay.”
-
Ulitin ang prosesong ito sa bawat tao sa grupo ninyo.
-
-
Talakayin:Ano ang naramdaman ninyo nang sabihin ng iba ang mga talento at kasanayan ninyo?
-
Basahin:Sa kahon na ito, bilugan ang mga accomplishment ninyo at isulat ang iba pa. Huwag mahiya. Pagkatapos ay bilugan ang mga kakayahan, kasanayan, at katangian at isulat ang iba pa. Tingnan ang inyong sarili tulad ng pagkakita sa inyo ng Ama sa Langit!
MGA ACCOMPLISHMENT (mga nagawa at nakamit) (Bilugan at magsulat pa ng iba)
Mga tungkulin sa Simbahan
Misyon
Magulang
Mga nakuhang award sa trabaho
Edukasyon
Pamumuno
Service awards
Namuno sa mga miting
Nakapagbenta
Nakagawa ng magandang bagay
Nagtalumpati
MGA KAKAYAHAN, KASANAYAN, AT KATANGIAN (Bilugan at magsulat pa ng iba)
Matapat
Masipag
Mga kasanayan o skills sa pagbebenta
Mabuting tagapakinig
Maaasahan
Mabait
Mga kasanayan o skills sa paglilinis
Mahusay sa mga makina
Komunikasyon
Goal-setter
Guro
Maparaan
Matalino
Maintenance
Konstruksyon
Mapagtiis
Malikhain
Mabuting pagkatao
Mabilis matuto
Team builder
Tagapagplano
Maganda ang pananaw
Paano ko sasabihin sa iba ang tungkol sa sarili ko?
-
Basahin:Alam mo na ngayon na marami kang magagawa at magagandang katangian! Para makahanap ng magandang trabaho, kailangan mong sabihin sa mga tao kung paano mo magagamit ang iyong mga kasanayan para matulungan sila—at kailangang sabihin mo sa kanila ito kaagad at nang may determinasyon. Kasama ang buong grupo, magsalitan sa pagbabasa ng “Pagpapakilala ni Sofia.”
-
Praktisin:Ngayon, gumawa ng sariling pagpapakilala gamit ang apat na bahaging ito. Magsulat sa mga linya sa ibaba. Gawin ito sa loob ng 2-3 minuto. Isama ang:
-
Pangalan mo
-
Trabahong gusto mo (layunin)
-
Bakit magagawa mo nang mahusay ang trabahong iyan (mga kwalipikasyon)
-
Ilang katangian o kasanayan na tutulong sa iyo na magtagumpay sa trabahong iyon
Ang ganitong pagpapakilala ay tinatawag “me in 30 seconds” statement. Isa-isang tumayo at ipakilala ang mga sarili ninyo gamit ang “me in 30 seconds.” Huwag itong palampasin nang 30 segundo. Palakpakan natin ang isa’t isa!
-
-
Basahin:Ang “Me in 30 seconds” ay magandang paraan ng pagpapakilala sa sarili, lalo na kung partikular na sinasabi nito ang katangian ninyo. Mas mabisa kapag nagdaragdag tayo ng tanong sa dulo na depende sa taong kausap natin. Pinraktis ni Sofia na magdagdag ng iba’t ibang tanong sa kanyang pagpapakilala, depende sa taong kausap niya:
Kaibigan, pamilya: Sino ba ang kakilala mong teacher o may-ari ng eskwelahan?
Sekretarya: Maaari ko bang makausap ang may-ari na si Mrs. Gomez?
Employer: Paano makakatulong sa iyo ang experience ko sa trabaho?
Dapat nating ipakilala ang sarili natin sa maraming tao hangga’t maaari para ipaalam sa kanila na handa tayong magtrabaho.
-
Praktisin:Mag-ukol ng ilang minuto sa pagsulat muli ng “me in 30 seconds.” Pagandahin ito. Magdagdag ng partikular na mga kwalipikasyon at katangian. Magdagdag ng isang maitatanong ninyo kapag nakikipag-usap sa employer.
Tanong:
-
Praktisin:Bilang grupo, gawin ang sumusunod na aktibidad: Ito ay dapat magtagal lang nang lima hanggang anim na minuto.
-
Tumayo ang lahat at lumipat sa isang maluwang na espasyo. Dapat may kaharap na isang tao ang bawat isa.
-
Sabihin ang “me in 30 seconds” sa kapartner ninyo.
-
Pagkatapos ang kapartner naman ang magsasabi ng “me in 30 seconds” statement.
-
Ibigay kaagad ang feedback na ito sa isa’t isa:
-
Naroon ba lahat ang apat na bahagi? (pangalan, layunin, kwalipikasyon, katangian)
-
Nagtapos ba ito sa tanong?
-
Kinakitaan ba ito ng katapatan at tiwala sa sarili? Kapani-paniwala ba ito?
-
Ngumiti ba ang tao?
-
Gugustuhin mo bang i-refer ang taong ito o bigyan ng trabaho?
-
-
Magpalitan ng partner at gawin itong muli. At muli!
-
Gawin ito nang mabilis hanggang maulit ito ng lahat nang limang beses.
-
-
Basahin:Mula ngayon, hindi na tayo mahihiyang sabihin sa mga tao na naghahanap tayo ng trabaho. Maibubuka natin ang ating mga bibig at masasabi sa lahat na naghahanap tayo ng trabaho at kung gaano tayo kakwalipikado!
Handa na ba tayong lumabas at sabihin ang “me in 30 seconds” sa lahat ng dapat sabihan bago tayo magkitang muli sa susunod na miting? Gagawin ba natin ito?
OPSYONAL NA AKTIBIDAD: ACCELERATED JOB SEARCH |
---|
(HUWAG GAWIN ITO SA ORAS NG MITING.) |
Sa ating panlimang miting, pag-aaralan natin ang isang paraan na mapapabilis natin ang paghahanap ng trabaho. Gayunpaman, kung nais na ninyong pabilisin ngayon ang paghahanap ng trabaho,maaari na ninyong gawin ang aktibidad na ito bago ang susunod na miting. Maaari ninyong gawin ito nang mag-isa o may mga kasama. |
Para mas mabilis kayong magtagumpay, maaari ninyong pag-aralan ang “Accelerated Job Search” sa section na Mga Resources, mga pahina 15–20. Talakayin at pag-aralan ito kasama ang inyong pamilya, kagrupo, o isa pang kaibigan. Lumabas at gawin ito—maghanap ng mga resources, kausapin ang mga contact, at makipagmiting sa mas maraming tao hangga’t maaari. Malamang na umabot ito nang dalawa hanggang apat na oras kada araw. |
Ang paghahanap ng trabaho ay matrabaho! Pero kapag sinusunod ng mga tao ang huwarang ito, mas mabilis silang makakakuha ng trabaho. |
Kung gusto ninyong gawin ang aktibidad, bumalik at magreport sa grupo pagkatapos. Ang karanasan ninyo ay makakatulong sa ibang mga group member! |
Paano ko matalinong mapapangasiwaan ang pera ko?
-
Basahin:Kabilang sa pagiging self-reliant ang paggasta nang mas maliit sa kinikita natin at pag-iipon ng pera. Ang pag-iipon ay makatutulong sa atin na matugunan ang di-inaasahang mga gastusin o tutulong sa atin na maglaan para sa ating sarili at sa ating mga pamilya kapag mas mababa kaysa inaasahan natin ang ating kita. Bilang bahagi ng grupong ito, nangangako tayong mag-iipon linggu-linggo, kahit kaunti.
-
Talakayin:Sa ilang lugar, magandang ideya na mag-ipon sa bangko. Sa ibang lugar, hindi ito magandang ideya, halimbawa nito ay kapag ang isang bansa ay may mataas na inflation o kapag hindi matatag ang mga bangko. Maganda bang mag-ipon sa bangko sa inyong lugar? Anong bangko ang nagbibigay ng pinakamataas na interest rate para sa savings?
-
Basahin:Isa pang bahagi ng self-reliance ay ang kawalan ng utang. Nangungutang tayo para may panggastos tayo sa hindi kayang bilhin ng pera natin. Pinayuhan tayo ng mga propeta na iwasang mangutang, at habang mas nagiging self-reliant tayo unti-unti nating mababawasan at mababayarang lahat ang ating utang (gayunpaman makakatulong ding umutang para sa negosyo kung kailangan).
Ang mga medical emergency ay kadalasang nagdudulot ng malaking problema sa pera. Ang insurance at healthcare program ng gobyerno ay karaniwang nakatutulong na maiwasan ang mga problemang ito. Ang pagkakaroon ng insurance o pagsali sa medical program ng gobyerno ay mahalagang bahagi ng ating landas patungong self-reliance.
-
Talakayin:Ang ilang uri ng insurance (tulad ng health insurance at life insurance) ay mas madaling makuha at mas makakatulong kaysa sa ibang uri ng insurance. May mga insurance provider na tapat at mayroong hindi. Ano ang pinakamagandang opsyon sa insurance sa inyong lugar?
Bakit nais ng Panginoon na maging self-reliant tayo?
-
Talakayin:Bakit nais ng Panginoon na maging self-reliant tayo?
-
Basahin:Basahin ang banal na kasulatan sa kanan.
-
Talakayin:Paanong ang pagsisikap nating magkatrabaho ay nagiging “banal na layunin,” tulad ng sabi ni Elder Christofferson?
-
Basahin:Ang Tagapagligtas ay may kakayahang tulungan tayong maging self-reliant. Sinabi niya, “Masdan, ako ang Diyos; at ako ay Diyos ng mga himala” (2 Nephi 27:23). Kapag inilaan natin ang ating mga pagsisikap para magtagumpay sa ating trabaho sa banal na layunin na maging self-reliant, gagabayan tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng inspirasyon. Kapag ipinapakita natin ang ating pananampalataya sa pakikinig at pagsunod sa Kanyang mga pahiwatig, gagawa ang Panginoon ng mga himala at higit na pag-iibayuhin ang ating mga pagsisikap kaysa magagawa natin para sa ating sarili.