Mga Naunang Edisyon
Matuto


Matuto

lightbulb-brown

Paano natin matutulungan ang isa’t isa sa mga hamon sa trabaho?

Oras:I-set ang timer nang 20 minuto para sa pahinang ito lamang (hindi ang buong section na Pag-aralan).

Tandaan din na mag-uukol kayo ng karagdagang 20 minuto sa section na Mangakong Gawin.

Basahin:Ilan sa atin ay maaaring may mga trabaho na at may ilang naghahanap pa rin ng trabaho, pero lahat ay nakakaranas ng mga hamon sa trabaho. Kabilang sa ilang halimbawa ang:

  • Wala pa rin akong mahanap na trabaho.

  • Parang hindi masaya ang boss ko sa trabaho ko.

  • May trabaho ako, pero maliit lang ang kita.

  • Hindi ko alam ang gagawin sa nangyayaring katiwalian sa trabaho ko.

  • Marami akong kinakausap na mga tao, pero wala ni isang tumatanggap sa akin sa trabaho.

  • Mahirap maging tapat sa employer ko.

  • Hindi ko gusto ang mga kasamahan ko sa trabaho.

  • Hindi ako tumatagal sa trabaho.

Nagiging mas self-reliant tayo kapag pinapayuhan natin ang isa’t isa at hinaharap ang mga hamon.

Praktisin:Isusulat ng bawat miyembro ng grupo ang kanyang pinakamalaking hamon sa pisara. Bilang grupo, pumili ng tatlong hamon sa pisara. Ang gagawin ninyo ngayon ay talakayin at planuhin ang ilang solusyon.

Ang pagrerepaso ng mga nakaraang ginawa, tinalakay, at pinanood na mga video sa workbook na ito ay makakatulong. Maaaring may kilala rin kayong ibang tao sa labas ng grupo na makakatulong sa hamon. Ang taong ito ay maaaring anyayahan na tumulong sa susunod na miting ng grupo ninyo.

Ako ba ay mas nagiging self-reliant?

Oras:I-set ang timer nang 20 minuto para sa pahinang ito .

Basahin:Ang mithiin natin ay maging self-reliant, kapwa sa temporal at sa espirituwal. Ang pagtatagumpay sa trabaho ay bahagi lamang ng mithiing iyan.

Talakayin:Anong mga pagbabago ang nakita mo sa iyong buhay nang gawin mo at ituro ang mga alituntunin sa My Foundation?

Praktisin:Buksan ang iyong My Path to Self-Reliance booklet sa blankong self-reliance assessment (sa likod). Kumpletuhin ang ordenansa.

Kapag tapos ka na, pag-isipang mabuti sa loob ng tatlong minuto ang sumusunod:

Mas nakikita mo na ba ngayon ang mga gastusin mo? Masasagot mo na ba ng “madalas” o “palagi” ang karamihan sa mga tanong na ito? Sigurado ka na ba na ang halagang itinakda mo ay sapat nang kita? Malapit ka na bang magkaroon ng sapat na kita? Ano ang magagawa ninyo para makatulong?

My Path to Self-Reliance (Ang Aking Landas Patungong Self-Reliance)