Mga Naunang Edisyon
Job Search Success Map


Job Search Success Map

Araw-araw: Ilaan ang iyong mga pagsisikap, pabilisin ang paghahanap ng trabaho, gamitin ang network

handshake

Paano ako makakahanap ng mga tamang job opportunity?

  • Alamin ang maipapabatid kong katangian at kakayahan sa mga employer.

  • Gamitin ang “me in 30 seconds” sa maraming tao hangga’t maaari.

Paano ko maipapakita na may tiwala ako sa aking sarili?

  • Alamin kung paano ko matatamo ang mga resultang mahalaga sa employer.

  • Gumamit ng power statements para maipakita sa mga employer ang mga katangian at kakayahan ko.

Paano ko mapapasok ang mga “hidden” job market?

  • Hanapin ang mga “hidden” jobs sa pamamagitan ng networking.

  • Gumamit ng power statements para ipakita ang katangian at kakayahan ko sa aking network.

  • Tulungan ang aking network na tulungan ako.

Paano ko maipapakita na ako ang karapat-dapat na piliin kaysa sa iba?

  • Maghandang mabuti para sa bawat interbyu.

  • Mag-aral ng mga skill para maging mahusay sa interbyu.

  • Pag-aralan kung paano mag-fill out ng application sa trabaho.

Paano ko pabibilisin ang aking paghahanap ng trabaho?

  • Gawin ang Accelerated Job Search araw-araw.

  • I-rekord at i-monitor ang progreso ko sa paghahanap ng trabaho.

Paano ako magiging mahusay sa trabaho at patuloy na magtagumpay?

  • Maging proactive at iwasang magkaproblema sa trabaho ko.

  • Alamin ang mga patakaran at inaasahan sa trabaho.

  • Ipakita sa employer ko na mas higit ang kapakinabangan ko kaysa sa ipinapasweldo niya sa akin.

  • Maging responsable sa aking trabaho.