Mga Turo ng mga Pangulo
Buod ng Kasaysayan


Buod ng Kasaysayan

Ang aklat na ito ay hindi kasaysayan, kundi tinipon na mga alituntunin ng ebanghelyo na itinuro ni Pangulong David O. McKay. Gayunman, upang maipakita ang pagkakasunud-sunod ng kanyang mga turo, narito ang isang kronolohiya. Hindi kasama sa buod na ito ang ilang mahahalagang pangyayari sa kanyang personal na buhay, gaya ng kapanganakan ng kanyang mga anak at apo.

1873, Setyembre 8:

Isinilang sa Huntsville, Utah, kina David McKay at Jennette Evans McKay.

1881:

Umalis si David McKay para magmisyon sa British Isles, Si David O. at ang kanyang ina ang nag-asikaso sa bukid at sa pamilya (7; ang mga bilang sa panaklong ang edad ni David O. McKay).

1887:

Tinanggap ang patriarchal blessing mula kay John Smith (13).

1889:

Sinang-ayunan bilang kalihim ng Huntsville Ward Sunday School (15).

1893–94:

Naglingkod bilang guro at prinsipal sa elementarya ng Huntsville; sinang-ayunan bilang guro sa Sunday School sa Huntsville Ward (19–20).

1894–97:

Nag-aral sa University of Utah at nagtapos bilang valedictorian (20–23).

1897–99:

Nagmisyon nang dalawang taon sa Great Britain. Bilang karagdagan sa kanyang mga tungkulin sa pangangaral ng ebanghelyo, naglingkod bilang lider ng lahat ng misyonero sa Scotland (23–25).

1899–1900:

Nagturo sa Weber Stake Academy sa Ogden, Utah (25–26).

1900:

Nahirang sa Weber Stake Sunday School Board (27).

1901, Enero 2:

Pinakasalan si Emma Ray Riggs sa Salt Lake Temple (27).

1902:

Nahirang na prinsipal ng Weber Stake Academy (28).

1906:

Naorden na Apostol ni Pangulong Joseph F. Smith (32).

1914–18:

Giyera ng Unang Digmaang Pandaigdig (40–44).

1918:

Nahirang na general superintendent ng Deseret Sunday School Union. Inilathala ang Ancient Apostles (45).

1919–21:

Naglingkod bilang komisyonado ng edukasyon sa Simbahan (45–47).

1920, Disyembre:

Sa atas na mula sa Unang Panguluhan, umalis para sa isang-taong paglilibot kasama ni Elder Hugh J. Cannon para dalawin ang mga misyon ng Simbahan sa buong daigdig (47).

1922–24:

Naglingkod bilang pangulo ng European Mission (49–51).

1934:

Sinang-ayunan at itinalaga bilang pangalawang tagapayo ni Pangulong Heber J. Grant (61).

1939–45:

Giyera ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (65–71).

1945:

Sinang-ayunan at itinalaga bilang pangalawang tagapayo ni Pangulong George Albert Smith (71).

1950:

Sinang-ayunan at itinalaga bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol (77).

1951, Abril 9:

Sinang-ayunan at itinalaga bilang ikasiyam na Pangulo ng Simbahan, kasama sina Stephen L. Richards bilang unang tagapayo at J. Reuben Clark Jr. bilang pangalawang tagapayo. Sa panahong ito, ang Simbahan ay may tinatayang isang milyong miyembro (77).

1952, Hunyo:

Umalis para sa siyam na linggong paglilibot sa Europa, kung saan dinalaw niya ang mga miyembro ng Simbahan sa siyam na bansa (78).

1953:

Natanggap ang pinakamataas na parangal ng Boy Scouts, ang Silver Buffalo (79).

1954:

Sinimulan ang 32, 000-milyang paglilibot sa mga misyon; unang Pangulo ng Simbahan na dumalaw sa mga misyon sa Central America at South America; unang General Authority na dumalaw sa misyon sa South Africa (80).

1955, Agosto:

Dumalaw sa Europa kasama ang Mormon Tabernacle Choir (81).

1955, Setyembre:

Inilaan ang Bern Switzerland Temple (82).

1956, Marso:

Inilaan ang Los Angeles California Temple (82).

1956, Oktubre:

Inilaan ang Relief Society Building (83).

1958, Abril:

Inilaan ang Hamilton New Zealand Temple (84).

1958, Setyembre:

Inilaan ang London England Temple (85).

1964, Nobyembre:

Inilaan ang Oakland California Temple (91).

1970, Enero 18:

Sa edad na 96, namatay sa Salt Lake City, Utah. Sa pagtatapos ng kanyang administrasyon, ang bilang ng mga miyembro ng Simbahan ay tinatayang umabot sa tatlong milyon.