Buod ng Kasaysayan
Ang sumusunod na kronolohiya ay naglalaan ng maikling buod ng kasaysayan para sa mga turo ni Pangulong George Albert Smith na nakalahad sa aklat na ito.
1870, Abril 4 |
Isinilang sa Salt Lake City, Utah, kina John Henry at Sarah Farr Smith. |
1874–75 |
Ang kanyang ama, si John Henry Smith, ay nagmisyon sa Great Britain. Apat na taong gulang si George Albert nang umalis ito. |
1880, Oktubre 27 |
Si John Henry Smith ay inorden bilang Apostol. |
1882–85 |
Si John Henry Smith ay naglingkod bilang pangulo ng European Mission. |
1883 |
Si George Albert Smith ay nagsimulang magtrabaho sa isang pabrika ng mga damit sa edad na 13. |
1888 |
Nagsimula siyang magtrabaho para sa isang kumpanya ng tren. Nasira nang tuluyan ang kanyang mga mata dahil sa kanyang trabaho. |
1891, Setyembre–Nobyembre |
Nagmisyon sa katimugang Utah para sa Young Men’s Mutual Improvement Association. |
1892, Mayo 25 |
Pinakasalan si Lucy Emily Woodruff sa Manti Utah Temple. |
1892–94 |
Nagmisyon sa katimugang Estados Unidos, ilang linggo lang matapos ang kanyang kasal. Nakasama niya si Lucy sa misyon sa loob ng apat na buwan. |
1903, Oktubre 8 |
Inorden ni Pangulong Joseph F. Smith bilang Apostol. |
1904 |
Isinulat ang kanyang “sariling panuntunan,” isang listahan ng 11 huwaran na ipinangako niyang ipamuhay (tingnan sa mga pahina 1-2 ng aklat na ito). |
1909–12 |
Nagkaroon ng malulubhang karamdaman. |
1919–21 |
Pinamunuan ang European Mission. |
1921–35 |
Naglingkod bilang general superintendent ng Young Men’s Mutual Improvement Association. |
1922 |
Hinirang na vice president ng National Society of the Sons of the American Revolution. Naglingkod siya sa katungkulang ito hanggang 1925 at muli noong 1944 at 1946. |
1930, Setyembre |
Tumulong sa pag-oorganisa ng Utah Pioneer Trails and Landmarks Association para hanapin at markahan ang mga makasaysayang lugar sa Simbahan. Nahirang siya bilang unang pangulo ng organisasyon. |
1933, Hulyo 27 |
Naging pangulo ng Society for the Aid of the Sightless sa Utah. |
1934, Mayo 31 |
Tumanggap ng Silver Buffalo, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Boy Scouts of America. |
1935–36 |
Pinamahalaan ang paglalathala ng Aklat ni Mormon sa wikang braille. |
1937 Nobyembre 5 |
Namatay si Lucy sa edad na 68 matapos ang matagal na pagkakasakit. |
1938, Enero–Hulyo |
Binisita ang mga misyon ng Simbahan sa South Pacific, kabilang na ang mga pagtigil sa Hawaii, Samoa, Tonga, Tahiti, New Zealand, at Australia. |
1943, Hulyo |
Itinalaga bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol. |
1945, Mayo 21 |
Itinalaga bilang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. |
1945, Setyembre 23 |
Inilaan ang Idaho Falls Idaho Temple. |
1945, Nobyembre 2 |
Nakipagpulong sa pangulo ng Estados Unidos na si Harry S. Truman para talakayin ang mga pagsisikap na magpadala ng tulong sa Europa pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. |
1946, Mayo |
Binisita ang mga miyembro ng Simbahan sa Mexico, ang unang Pangulo ng Simbahan na gumawa nito. Binigyan ng kopya ng Aklat ni Mormon ang pangulo ng Mexico na si Manuel Camacho. |
1947, Hulyo 24 |
Inilaan ang This Is the Place Monument at ginunita ang ikasandaang taong anibersaryo ng pagdating ng mga pioneer sa Salt Lake Valley. |
1947 |
Umabot sa isang milyon ang mga miyembro ng Simbahan. |
1949, Setyembre 30– Oktubre 2 |
Nakilahok sa pinakaunang brodkast ng pangkalahatang kumperensya sa telebisyon. |
1951, Abril 4 |
Namatay sa Salt Lake City, Utah, noong kanyang ika-81 kaarawan. |