Ang Pagsang-ayon sa mga Pinuno ng Simbahan
Iminumungkahi na sang-ayunan natin si Thomas Spencer Monson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; Henry Bennion Eyring bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan; at Dieter Friedrich Uchtdorf bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan.
Ang mga sang-ayon ipakita lamang.
Ang mga di sang-ayon, kung mayroon, ipakita lamang.
Iminumungkahing sang-ayunan natin si Boyd Kenneth Packer bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol at ang sumusunod bilang mga miyembro ng korum na iyon: Boyd K. Packer, L. Tom Perry, Russell M. Nelson, Dallin H. Oaks, M. Russell Ballard, Richard G. Scott, Robert D. Hales, Jeffrey R. Holland, David A. Bednar, Quentin L. Cook, D. Todd Christofferson, at Neil L. Andersen.
Ang mga sang-ayon, mangyaring ipakita lamang.
Ang di sang-ayon, ipakita lang.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan at ang Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.
Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita lamang.
Ang di sang-ayon, kung mayroon, sa gayunding paraan.
Iminumungkahing i-release natin sina Elder Spencer J. Condie, Bruce C. Hafen, Kenneth Johnson, Glenn L. Pace, at Lance B. Wickman bilang mga miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu at itinatalaga sila bilang mga emeritus General Authority.
Iminumungkahi rin na i-release natin sina Elder Spencer V. Jones at Wolfgang H. Paul bilang mga miyembro ng Pangalawang Korum ng Pitumpu.
Ang mga nagnanais makiisa sa amin sa pasasalamat sa mga Kapatid na ito sa mahusay nilang paglilingkod, mangyaring ipakita.
Iminumungkahing i-release natin sina Fernando Maluenda at José L. Torres bilang mga Area Seventy.
Ang mga nais makiisa sa amin sa pasasalamat sa mahusay nilang paglilingkod, mangyaring ipakita.
Iminumungkahing sang-ayunan natin si Wenceslao H. Svec bilang Area Seventy.
Lahat ng sang-ayon ipakita lang.
Ang di sang-ayon, ipakita lamang.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang iba pang mga General Authority, Area Seventy, at mga pangkalahatang auxiliary presidency sa kasalukuyan.
Ang mga sang-ayon, mangyaring ipakita lamang.
Ang sinumang di sang-ayon, ipakita lamang.
Pangulong Monson, ayon sa naobserbahan ko, nagkakaisa ang mga nasa Conference Center sa pagsang-ayon.
Salamat, mga kapatid, sa inyong boto ng pagsang-ayon, at sa inyong pananampalataya, katapatan, at mga dalangin.