2009
Komentaryo
Enero 2009


Komentaryo

Itinuring Kong “Tahanan” ang Bagong Branch Ko

Katatanggap ko pa lang sa trabaho sa Bengaluru, India, isang lungsod na malayo sa bayan kong Chennai. Masaya ako sa bagong trabaho ko; gayunman, iba ang pakiramdam ng pagdalo sa bagong branch. Parang dayuhan ang pakiramdam ko, at nangulila ako sa dati kong branch. Pagkatapos ay nabasa ko ang artikulong “Ituring na ‘Tahanan’ ang Alinmang Ward” sa Enero 2008 Liahona. Napanatag ako, at sinimulan kong magpakilala sa maraming miyembro. Tumanggap ako ng tungkulin at nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Higit sa lahat, mas nalaman ko kung bakit ako nagsisimba. Ngayon ay naghahanap ako ng mga bagong mukha at kinakausap sila. Salamat po sa artikulong iyon.

Joseph Isaac, India

Tinutulungan Ako ng Liahona na Ipangaral ang Ebanghelyo

Lagi akong may dalang Liahona. Dahil dito, nakapagbigay na ako ng maraming referral sa mga misyonero. Kapag kailangan kong pumila sa ospital, binabasa ko ito, at nag-uusisa ang mga tao, kaya’t sinasamantala ko ang pagkakataon na kausapin sila tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo at sa plano ng kaligtasan na itinuro sa atin ng Diyos. Ang pagdadala ng Liahona saanman ako magpunta ay nakatulong sa akin para magsalita tungkol kay Jesucristo at ipangaral ang ebanghelyo sa mga tao.

Margarita Herrera de Bello, Mexico