2009
Isang Bata Pang Misyonera
Enero 2009


Isang Bata Pang Misyonera

Kaarawan iyon ng matalik kong kaibigan, at magiging 13 anyos na siya. Nagmadali akong maghanap ng regalo para sa kanya bago pumasok sa paaralan, pero wala akong makita. At nakita ko ang Aklat ni Mormon. Nagpasiya akong hamunin ang sarili ko na iregalo ito sa kanya. Gumanda ang pakiramdam ko pero medyo takot ako dahil hindi pa ako nakapagbigay ng Aklat ni Mormon kahit kanino. Nangamba akong baka hindi niya ito tanggapin.

Pagdating ko sa paaralan, hinanap ko siya at sinabi ko sa kanya na may espesyal na aklat ako para sa kanya. Kinuha niya ang aklat at nakita ang larawan ng pamilya ko sa harapan nito. Sinabi ko sa kanya na iyon ang Aklat ni Mormon, isang aklat na naghahayag ng katotohanan kung bakit tayo narito sa daigdig. Humingi rin ako ng paumanhin sa kanya na hindi ko siya nabigyan ng mas magandang regalo.

Tinitigan niya ako at sinabing iyon ang pinakamagandang regalong maibibigay ko sa kanya. Naantig ako sa mga sinabi niya, at muntik na akong mapaiyak. Parang misyonera na ang pakiramdam ko! Hindi na ako makapaghintay na umabot sa tamang edad para makapagmisyon kaya ibinabahagi ko ang ebanghelyo sa ibang tao gaya ng kaibigan ko.