Pagpapalakas sa Kaluluwa sa Pamamagitan ng Institute
Sa pagtulong sa mga estudyante na mapalapit sa Ama sa Langit, makipagkaibigan, at magtakda ng mga priyoridad, pinatatatag ng institute ang mga patotoo at binabago ang buhay ng mga tao.
“Huwag balewalain ang oportunidad na dumalo sa klase ng seminary at institute. Lumahok at pag-aralan sa abot ng inyong makakaya ang mga banal na kasulatan na itinuro sa mahahalagang pag-aaral na ito ng relihiyon. Ang mga ito ang maghahanda sa inyo upang maihayag ang mensahe ng ipinanumbalik na ebanghelyo sa mga taong makikilala ninyo.”
Elder L. Tom Perry ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Pagtataas ng mga Pamantayan,” Liahona at Ensign, Nob. 2007, 48.
Bisitahin ang http://institute.lds.org para sa impormasyon tungkol sa alinman sa mahigit 500 kinaroroonan ng institute sa buong mundo. Sa maraming pagkakataon, makapagrerehistro kayo sa mga klase nang online.
Wala ba kayong Internet access? Ang inyong bishop o branch president ay may listahan ng kinaroroonan ng mga institute.
Ang institute ay isang magandang lugar para mag-aral ng ebanghelyo at magkaroon ng mga kaibigang Banal sa mga Huling Araw.
Ang institute ay para sa mga estudyanteng mayroon at walang asawa, na karaniwan ay edad 18 hanggang 30.
Dulong kaliwa: paglalarawan ni Matthew Reier; larawan ni Elder Perry na kuha ni Craig Dimond
Paglalarawan ni Matthew Reier