2009
Pag-uwi
Enero 2009


Pag-uwi

Suzanne Goble, Utah, USA

Malayo sa amin ang tinirhan ko sa unang pagkakataon nang maghiwalay ang mga magulang ko. Unang buwan ko pa lang sa kolehiyo, at nang magbago ang buhay ng pamilya ko, nahirapan akong unawain ang kahulugan ng salitang tahanan. Nang magdiborsyo ang mga magulang ko at lisanin ng pamilya ko ang bahay na kinalakihan ko sa nakaraang 18 taon, litung-lito ako. Alam ko na may tirahan naman ako, pero iba ang pakiramdam ko.

Madalas kong marinig na inilararawan ang Simbahan bilang “kanlungan mula sa bagyo” (D at T 115:6). Naging kanlungan sa akin ang institute sa pakikibaka ko sa bagong unos na ito sa aking buhay. Nag-enrol ako sa institute, at kahit hindi ko maalala ang eksaktong mga salitang binanggit sa mga aralin, hinding-hindi ko malilimutan ang kapayapaan at kaaliwang nadama ko habang nakikinig. Natuklasan ko ang pagmamahal sa akin ng aking Ama sa Langit, at naging mas malapit ako sa pinakamagaling na tagapayong nakilala ko: si Jesucristo.

Binabayaran ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo, pero natututuhan ko ang pinakamahahalagang aral mula sa mga klase sa institute, na nakukuha ko nang libre. Naunawaan ko na ngayon na ang kahulugan ng tahanan ay hindi kailangang maging bahay na kinalakihan mo kundi isang lugar kung saan itinuturo ang mga aral sa buhay at namamayani ang pagmamahalan. Dahil sa natutuhan ko at sa Diwang nadama ko, institute na ang naging bago kong tahanan. Masarap magkaroon ng isang lugar kung saan nadarama kong mahal ako at tinatanggap.