2009
Pagbabago ng Aking mga Mithiin
Enero 2009


Pagbabago ng Aking mga Mithiin

Krista Wren, Arizona, USA

Sa sacrament meeting isang araw ng Linggo, pinakinggan kong mabuti ang isang nagsalita tungkol sa institute. Ibinahagi niya ang mga salita ni Elder L. Tom Perry ng Korum ng Labindalawang Apostol, na nagsasabing, “Pinagyaman [ng Institute] ang aking buhay, at alam kong iyan din ang gagawin nito para sa inyo. Bibigyan kayo nito ng proteksyon upang malayo kayo sa mga tukso at pagsubok ng mundo.”1 Noon ko natanto na napatunayan ko na sa sarili ko ang katotohanan ng mga salita ni Elder Perry. Kaylaki ng pasasalamat ko para sa mga pagpapalang dumating sa akin dahil sa pagdalo sa institute.

Bago pa iyon, dumadalo na ako sa isang klase ng institute tungkol sa mga turo ni Isaias. Hanggang ngayon ito pa rin ang klaseng nagpapabago ng buhay sa lahat ng nadaluhan ko na. Ang semestreng iyon ay nakalito sa akin; hindi lahat ng mithiin at priyoridad ko ay umaayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo. Gayunman, regular pa rin akong dumalo sa institute at nakibahagi sa ilang tapatang pakikipagtalakayan sa guro ng institute tungkol sa doktrina ng Simbahan. Sa pagdaan ng panahon, sa pagbabago ng aking mga ideya, unti-unti at dahan-dahan kong iniakma ang aking mga mithiin sa plano ng Panginoon para sa akin.

Natanto ko lang kung paano ako pinagpapala ng mga bagong mithiing ito nang marinig ko ang sinabi ni Elder Perry sa sacrament meeting noong Linggong iyon. Malaki ang ibinuti ng buong buhay ko nang dumalo ako sa institute. Mas sensitibo na ako sa Espiritu at dumalang na ang pagpapatangay ko sa mga tukso. Gumanda ang pag-uugali at pananaw ko dahil sa aking pagdalo.

Tala

  1. L. Tom Perry, “Receive Truth,” Ensign, Nob. 1997, 61–62.