Noong 1829 natapos ni Joseph Smith, sa tulong ng tagasulat niyang si Oliver Cowdery, ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon.
Oliver, nasisiyahan ang Panginoon sa atin.
Kailangan natin ngayong ilathala ang dakilang aklat na ito.
Nagtungo sina Joseph at Oliver sa Palmyra, New York, at kinausap si Egbert B. Grandin, isang manlilimbag.
Kailangan namin ng 5,000 kopya ng aklat na ito sa lalong madaling panahon.
Magkakahalaga ito ng $3,000. Dahil napakaraming kopya ang gusto mo at talagang makapal ang aklat na ito, baka mahigit isang taon bago ko ito matapos.
Makaraan ang ilang buwan nag-alala si Mr. Grandin na baka hindi magbayad si Joseph. Itinigil niya ang paglilimbag ng Aklat ni Mormon hanggang sa makatiyak siya.
Isinangla ko ang sakahan ko para mailimbag ang Aklat ni Mormon. Dapat ay mapanatag na riyan si Mr. Grandin.
Maraming salamat, Martin!
Si Mr. Grandin ay may bagong limbagan na nagpabilis sa proseso ng paglilimbag kumpara noong araw. Sa kabila nito, natagalan pa rin siya.
Mr. Grandin, halos tapos na tayo, at nakakapitong buwan pa lang!
Hindi ko lubos na maunawaan kung paano.
Nang mailathala na ang Aklat ni Mormon, inutusan ng Panginoon si Joseph na itatag ang Simbahan. Noong Abril 6, 1830, mga 60 katao ang nagpulong sa tahanan ni Peter Whitmer Sr.
Maligayang pagdating, mga kapatid.
Sinang-ayunan ng mga miyembro si Joseph bilang propeta at nakibahagi sa sacrament.
Kahit nagsimula lang ang Simbahan sa iilang miyembro, kalaunan ay sinabi ni Joseph sa ilang kapatid sa Kirtland ang tadhana nito.
Kakaunti lamang ang nakikita ninyo ritong priesthood ngayong gabi, ngunit pupunuin ng Simbahang ito ang Hilaga at Timog Amerika—pupunuin nito ang buong mundo.