Pagpapakita ng Pananampalataya
Malinda Morrison, Western Australia, Australia
Sa seminary pa lang ay gusto ko na ang institute. Sumapi ako sa Simbahan sa edad na 14, at uhaw ako noon sa kaalaman. Masaya akong nag-aral tungkol sa ebanghelyo at minahal ko ang kahanga-hanga kong mga kaibigan at guro na nakilala ko rito.
Kung minsan ay mahirap dumalo sa seminary. Ayaw akong padaluhin ng aking pamilya, na hindi mga miyembro ng Simbahan. Ngunit sa tulong ng iba pang mga Banal sa mga Huling Araw, nakadalo ako sa early-morning seminary. Nakita ng pamilya ko na seryoso ako sa pagiging miyembro sa Simbahan. Iyon ang paraan ko sa paggawa ng higit pa sa inaasahan.
Tulad ng pinagyaman ng seminary ang buhay ko noong tinedyer ako, pinagyaman naman ng institute ang buhay ko noong young adult ako. Pinahalagahan ko ang mga salita ni Cristo sa aking puso at isipan (tingnan sa D at T 6:20; 84:85). Ang mga turong ito ay nakatulong sa akin na maglingkod sa Panginoon nang mas epektibo bilang misyonera.
Nagpapasalamat ako sa institute at alam ko na ito ay isang inspiradong programa dahil nakita ko na ang mga pagpapala nito sa buhay ko at sa buhay ng iba.