Isang Aralin na Nagpabago sa Aming mga Family Home Evening
May tatlo kaming anak, na mga edad lima, tatlo, at isa. Noong una magulo ang mga family home evening namin. Nanggugulo ang mga bata para matuon ang pansin sa kanila. Halos sumuko na kaming mag-asawa.
Pagkatapos noong isang Lunes ng gabi, nagturo ang asawa ko tungkol kay Samuel ang Lamanita gamit ang mga larawan sa flannel-board bilang mga biswal. Nagsalitan kami sa pagpapaskil ng mga larawan sa flannel-board para iugnay ang mga tauhan sa kuwento kapag nabanggit sila. Tuwang-tuwa ang mga bata sa aktibidad kaya naging payapa at puspos ng Espiritu ang family home evening namin sa unang pagkakataon makaraan ang maraming buwan.
Binago ng araling ito ang aming mga family home evening. Nagsimula kaming maghanda ng mas maraming araling may talakayan, at nagboluntaryo ang mga bata na gawin ang lahat ng uri ng bagay para magtagumpay ang family home evening namin. Naglalaan na rin kami ng mas maraming oras sa pagpaplano ng aming mga family home evening. Tinitiyak namin na walang dalawang home evening na magkapareho ng gagawin. Nakatulong ang iba’t ibang aktibidad para maakit ang pansin ng aming mga anak.
Talagang pinagsikapan naming mag-asawa na isagawa at ipagpatuloy ang mga bagay na ito sa aming mga family home evening. Pero ngayon ay kinasasabikan na ng aming mga anak ang family home evening at lumalahok na sa mas makabuluhang paraan.