Mga Ideya sa Family Home Evening
Ang mga mungkahing ito sa pagtuturo ay magagamit sa loob ng klase gayundin sa tahanan. Maaari ninyong iakma ang mga ideyang ito sa inyong pamilya o sa klase.
“Pagpapayaman ng Inyong Pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan,” p. 10: Talakayin sa nakatatandang mga bata ang iba’t ibang paraan ng pagdalo sa Sunday School nang nakahandang matuto at lumahok. Anyayahan silang magtakda ng isang mithiin para maging mas handa para sa Sunday School sa taong ito, o magtakda ng mithiin ng pamilya na mapagtutulungan nilang kamtin. Tulungan ang nakababatang mga bata na magtakda ng mga mithiing akma sa kanilang mga kakayahan, tulad ng pagdadala ng mga banal na kasulatan sa klase, pagdating sa oras, pagdarasal para sa guro, o pagtataas ng kanilang kamay. Talakayin ang mga paraan na maaari kayong magtulungan na kamtin ang inyong mga mithiin.
“Isang Uliran ng mga Nagsisisampalataya,” p. 36: Ipasulat sa mga kapamilya kung paano nila nakita ang iba na naging “isang uliran ng mga nagsisisampalataya.” Ibahagi ang mga nasa listahan ninyo, at talakayin ang mga paraan para maging mabuting halimbawa ang bawat miyembro ng pamilya. Magtakda ng ilang mithiin na gawin ito.
“Ang Pagtatanghal ng mga Talento,” p. K8: Basahin ang artikulo, at ituro kung anong talento ang natuklasan ni Marie na taglay niya. Para matulungan ang mga miyembro ng pamilya na matuklasan ang mga tago nilang talento, ipalarawan sa bawat isa ang isang talento ng taong nasa kanyang kaliwa. Kung may oras pa, maaari ninyong ituloy pa nang ilang beses ang prosesong ito. Magtapos sa pagbabasa ng Moroni 7:47 at ng sinabi ni Elder L. Tom Perry na nasa gilid ng pahina.
“Linggo ni Ben,” p. K14: Basahin ang artikulo, at tandaan ang kalakasan ng loob na kinailangan ni Ben nang pakiusapan niya ang kanyang lolo na huwag bumili kapag Linggo. Talakayin kung paano magiging matapang ang mga miyembro ng pamilya sa pagsisikap na sundin ang mga kautusan. Magdula-dulaan tungkol sa ilang sitwasyon na nangangailangan ng lakas ng loob upang piliin ang tama.