Isang Kakaibang Uri ng Christmas Tree
“Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin” (Mateo 11:29).
-
Sabik si Carlos sa pagsapit ng Pasko. Sa taong ito may isang bagay na kakaiba sa kanyang tahanan. Isang malaking punong yari sa makinang na berdeng papel ang nakakabit sa pinto.
Inay, bakit may puno sa pinto.
May gagawin tayong medyo kakaiba para sa Pasko ngayong taon.
-
Inisip ni Carlos kung ano ang magiging kaiba. Nag-isip din ang kanyang kapatid na si Araceli at ang nakababata niyang kapatid na si Diego.
-
Ginawa ko ang mga palamuting papel na ito para sa puno. Araw-araw susulat tayo ng isang bagay tungkol kay Jesucristo sa isang palamuti at ilalagay natin iyon sa puno. Sa Bisperas ng Pasko, mapupuno ang buong puno!
-
Nagustuhan ni Carlos ang ideyang iyon. Tumakbo si Araceli sa mga palamuti at kumuha ng lapis na pula.
Si Jesus ay bininyagan.
-
Maganda iyan. Puwede ko bang isulat na maraming himalang ginawa si Jesus?
Napakaganda niyan. Parehong maganda ang mga ideya ninyo!
-
Gabi-gabi pagkatapos ng hapunan, gumawa ng ibang palamuti sina Araceli at Carlos at inilagay iyon sa puno. Tumulong si Diego sa pagsasabi sa kanila na mahal niya si Jesus.
-
Kapag mahirap mag-isip ng iba pang ideya, naghahanap sila sa mga banal na kasulatan. Hindi alam ni Carlos na napakaraming talata tungkol kay Jesus!
-
Pagsapit ng Bisperas ng Pasko nagkantahan ang buong pamilya at binasa nila ang mga palamuting inilagay nila sa puno. Masaya si Carlos na marami siyang nalaman tungkol kay Jesus. Alam niya na handa na siya para sa Pasko ngayong taon.