2011
Paano Ko Masusunod ang Tagapagligtas?
Disyembre 2011


Natatanging Saksi

Paano Ko Masusunod ang Tagapagligtas?

Mula sa “Sinusunod Natin si Jesucristo,” Liahona, Mayo 2010, 84, 86; “Mamuhay sa Pananampalataya at Hindi sa Takot,” Liahona, Nob. 2007, 73.

Elder Quentin L. Cook

Nagbahagi si Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol ng ilang pananaw tungkol sa paksang ito.

Ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos kapag sinusunod natin ang Kanyang mga utos at pinaglilingkuran ang Kanyang mga anak.

Ang sacrament ay nagtutulot sa atin na patunayan natin sa Diyos na aalalahanin natin ang Kanyang Anak at susundin ang Kanyang mga utos kapag pinanariwa natin ang ating mga tipan sa binyag.

Ipinahayag ng Tagapagligtas na makikila tayo bilang Kanyang mga disipulo kung mamahalin natin ang isa’t isa.

Sundin natin ang ating buhay na propeta, si Pangulong Thomas S. Monson. Isa siyang magandang halimbawa ng isang taong sumusunod sa Tagapagligtas.

Dapat nating taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo at tanggapin ang Kanyang larawan sa ating mukha upang pagdating Niya ay higit tayong maging katulad Niya.

Mga paglalarawan ni Steve Kropp; detalye mula sa Si Cristo at ang Mayamang Binatang Pinuno, ni Heinrich Hofmann, sa kagandahang-loob ng C. Harrison Conroy Co.