Pinaningning ng Pitong Magkakapatid na Babae ang Kanilang Liwanag sa Misyon
Ang Pleiades, o Seven Sisters, ay isang konstelasyon na binubuo ng pitong bituin na napakalayo kung kaya’t kailangan ang 350 taon para makarating sa mundo ang kanilang liwanag.
Sa edad na early twenties hanggang late thirties, pinaniningning ng magkakapatid na ito ang kanilang liwanag sa kanilang pamilya at sa misyon habang ibinabahagi nila ang ebanghelyo sa mga mamamayan sa limang bansa.
Sina Marisol (Chile Osorno), Antonia (Argentina Resistencia), Daniela (Costa Rica San José), Florencia (Honduras Comayaguela), Verónica (Chile Santiago East), Anai (Guatemala City North), at Balbina Nava Aguilar (Argentina Bahía Blanca) ay taga-Mexico na magkakasabay na nagmimisyon para sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Unang nakilala ng magkakapatid na ito ang mga misyonerong LDS nang magsimula silang dumalo sa libreng English class sa isang chapel sa kanilang lugar. Noong 2006 sila—kasama ang isa pang kapatid na babae at kanilang kapatid na lalaki—ay nabinyagan. Ang kanilang mga magulang na sina Albino Nava at Isidra Aguilar, na sumapi sa Simbahan tatlong dekada bago iyon, ay muling naging aktibo noong panahong iyon.
Sinabi ni Sister Aguilar na nakikita niya ang kabutihang dulot ng pagpapadala ng kanyang pitong anak na babae sa misyon.
“Ginagabayan sila ng Panginoon, gumagawa, nangangaral ng Kanyang ebanghelyo upang magdala ng mas marami pang kaluluwa [sa Kanya],” ang sabi niya.
“Mahal ko ang ebanghelyong ito at alam kong nagpapabago ng buhay ang gawaing ito,” sabi ni Florencia. “Binago nito ang buhay ko, at babaguhin nito ang buhay ng mga tinuturuan ko.”
Magsisimulang magsiuwi ang magkakapatid sa pagtatapos ng 2011.