Maiikling Balita sa Buong Mundo
Quetzaltenango Temple Open House, Ibinalita na ang Paglalaan
Upang ipagdiwang ang paglalaan ng Quetzaltenango Guatemala Temple, ang mga kabataan ng Simbahan sa bansang iyon ay makikibahagi sa isang pagtatanghal ng kultura sa musika at sayaw sa Sabado, Disyembre 10, 2011.
Pagkatapos sa Linggo, Disyembre 11, 2011, ang templo ay ilalaan sa tatlong sesyon, na isasahimpapawid sa lahat ng ward o branch sa Guatemala.
Kasunod ng paglalaan, ang templo ay bubuksan para sa mga ordenansa sa Martes, Disyembre 13, 2011.
Inaasam ng Simbahan na Makapagtatayo ng Templo sa France
Ibinalita ni Pangulong Thomas S. Monson noong Hulyo na inaasam ng Simbahan na makapagtayo ng unang templo nito sa France sa lote na nasa karatig na lugar ng Paris.
Maraming buwan nang nakikipag-usap ang Simbahan sa mga lokal na opisyal.
May ilang pagsisikap noon na makahanap ng angkop na lugar para sa isang templo sa France, ngunit wala pang napagpapasiyahan tungkol dito. Ang mga miyembrong French ng Simbahan na gustong pumunta sa templo ay karaniwang nagbibiyahe sa mga kalapit na bansa sa Europa.
Madali nang Makuha ang Bagong Format para sa Audio ng mga Banal na Kasulatan
Inilabas ng Simbahan ang isang audio version ng mga aklat ng mga banal na kasulatan ng LDS para mai-download sa iTunes sa format na audiobook (na tinatawag na “enhanced audio content” sa iTunes) o MP3 format.
Mayroon nang audio version ang lahat ng aklat ng mga banal na kasulatan sa Ingles at Espanyol, at mayroon na ring mga audio version ng triple combination sa Japanese, Portuges, at Korean.
Para ma-access ang mga bagong mapagkukunang ito, magpunta sa bahagi ng mga banal na kasulatan ng channel ng Simbahan sa iTunes.lds.org.