2011
Komentaryo
Disyembre 2011


Komentaryo

Napuspos Ako ng Pasasalamat

Ang mga Tinig ng mga Banal sa mga Huling Araw ay palaging isa sa mga unang artikulong tinitingnan ko pagdating ng magasin ko sa bawat buwan. Ganyan ang nangyari nang mabasa ko ang “Kayo ang mga Anghel” (Liahona, Dis. 2010, 38). Nakadama ako ng napakalakas na espirituwal na kapangyarihan, at napuspos ako ng pasasalamat sa misyon ng ating Tagapagligtas at sa mga taong walang-sawang naglilingkod sa Kanyang pangalan. Lubos kong pinasasalamatan si Heidi Windish Fernandez sa pagbabahagi ng kanyang kahanga-hangang karanasan.

Larry D. Kump, West Virginia, USA

Gumagawa ng Kaibhan ang Liahona

Ang mga mensahe ng Liahona ay palaging nakatutulong sa akin bilang isang tao, ama, asawa, at lider at ang mga isyu ng pangkalahatang kumperensya ay naghahatid ng espesyal na diwa sa aming tahanan. Palagi akong umoorder ng maraming isyu ng pangkalahatang kumperensya para tig-iisa kami ng aking asawa at mga anak upang mabasa at mamarkahan namin ang mga mensahe ayon sa gusto namin at para hindi na kami maghintayan pa para mabasa ang magasin. Pagkatapos ng taon ipinapa-bookbind namin ang mga magasin at ibinibigay ang mga sobrang kopya sa mga hindi gaanong aktibo o mga kaibigang hindi miyembro. Nagpapatotoo ako na ang Liahona ay gumagawa ng kaibhan sa ating buhay.

Fabio Allegretti Cooper, Brazil