2011
Nagsasalita Ngayon
Disyembre 2011


Nagsasalita Ngayon

Regular na binibisita ng mga General Authority ang mga miyembro ng Simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang mga ulat tungkol sa kanilang paglilingkod ay matatagpuan sa news.lds.org gayundin sa Prophets and Apostles Speak Today sa prophets.lds.org sa Ingles, French, German, Italian, Portuges, at Espanyol. Narito ang maiikling salaysay ng mga pagbisita kamakailan.

  • Noong Mayo 26, 2011, si Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, ay nagsalita sa 800 lider ng komunidad, negosyo, at relihiyon na dumadalo noon sa Los Angeles World Affairs Council, isang walang kinabibilangang organisasyon na nakatuon sa pagpapalaganap ng pagkakaunawaan sa buong mundo. Nagsalita si Pangulong Uchtdorf tungkol sa paglago ng Simbahan mula noong 1830 hanggang ngayon. Hanapin ang “Uchtdorf, Los Angeles” sa news.lds.org.

  • Noong Hunyo 5, 2011, inorganisa ni Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang Moscow Russia Stake—ang una sa Russia at pangalawa sa lugar na sakop ng dating Soviet Union. Mahigit 1,100 katao ang dumalo. Hanapin ang “Nelson, Moscow” sa news.lds.org.

  • Noong Mayo, binisita ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang India, Hong Kong (kung saan nakasama niya si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol), at ang Mongolia. Hanapin ang “Holland, India” sa news.lds.org.

  • Noong Hunyo 15, 2011, bumisita si Presiding Bishop H. David Burton sa Higashi Matsushima, Japan, upang alamin ang kalagayan ng bansa simula nang lumindol at magkaroon ng tsunami noong Marso 11 at tingnan ang pagtulong ng Simbahan doon. Hanapin ang “Burton, Japan” sa news.lds.org.