Ang Aking Mission Fund
Alam ko na kakaiba ito, pero nagsimula na akong mag-ipon ng pera para mabayaran ang mission ko hindi pa man ako ipinapanganak. Nang malaman ng aking ina na magkakaanak na siya, kumuha siya ng lata ng gatas na walang laman, binutasan ito, at tinatakan ito ng, “Mission Fund.” Simula noong araw na iyon, nag-iipon na kami ng aking pamilya para sa mission ko.
Pinagsikapan ng buong pamilya ang pag-iipon para sa mission ko. Nang isilang ako, naghulog ng pera ang mga bumisitang tito at tita ko sa lata ng mission fund. At tuwing pista opisyal gaya ng Pasko o Bagong Taon, binibigyan ako ng mga kapamilya ko ng pera para idagdag sa mission fund ko.
Kung minsan binibigyan ako ng mga lolo’t lola ko ng pera kapag mataas ang marka ko sa eskuwelahan o nanalo ako sa mga kumpetisyon. Napunta rin ang mga regalong ito sa mission fund ko. Noong minsan, nang tumanggap ako ng ilang medalya, binilang ng tita ko ang lahat ng medalyang nakuha ko at binigyan ako ng pera para sa bawat isa. Matapos kong bayaran ang ikapu, napunta rin ang perang ito sa mission fund ko.
Nang mabinyagan ako, tumindi ang hangarin kong makapagmisyon. Nagtakda ng mithiin ang pamilya ko na mag-ipon ng sapat na pera para mabayaran nang buo ang mission ko. Dahil may mga kapatid na ako ngayon, ang perang iniipon namin ay idinaragdag din sa mission fund nila.
Ngayon ay siyam na taong gulang na ako at halos kalahati na ng edad para makapagmisyon. Nag-ibayo ang hangarin kong magmisyon dahil alam ko na napakaraming taong nag-ambag sa mission fund ko.
Patuloy akong mag-iipon para sa mission ko. Alam ko na pagpapalain ako ng Ama sa Langit para makapaglingkod ako sa Kanya bilang misyonero balang araw.