Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig
Mexico
Ang unang mga misyonerong Latter-day Saint ay dumating sa Mexico noong 1875. Nahati sila sa dalawang grupo. Ang isang grupo ay nagpadala ng mga piling bahagi ng Book of Mormon sa wikang Espanyol sa mga pinunong maimpluwensya sa buong bansa at nagturo sa maraming tao, ngunit wala silang nabinyagan. Ang isa namang grupo ay nabinyagan ang unang limang miyembro ng Simbahan sa Mexico, sa Hermosillo, Sonora. Makaraan ang apat na taon, hiniling ng isa sa mga pinunong nakatanggap ng mga babasahin ng Simbahan noong 1875, si Plotino C. Rhodakanaty ng Mexico City, na mabinyagan siya at ang iba pa. Pagsapit ng 1885 nakumpleto ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa wikang Espanyol.
Maraming taon nang dumaranas ng tensyon sa pulitika ang bansa, ngunit nanatiling tapat ang mga naunang miyembro. Ang unang stake sa Simbahan na Espanyol ang gamit na wika, ang Mexico Stake, ay inorganisa noong Disyembre 3, 1961. Nagbukas ng ilang paaralan ang Simbahan, kabilang na ang Benemérito de las Américas, na itinatag sa Mexico City noong 1963, na patuloy pa rin hanggang ngayon.
Ang unang templong itinayo sa Mexico, na nasa Mexico City, ay inilaan noong 1983. Noong taong 2000, walong templo ang inilaan sa Mexico.
Noong 2004, Mexico ang naging unang bansa sa labas ng Estados Unidos na mayroong isang milyong miyembro.
Ang Simbahan sa Mexico | |
---|---|
Bilang ng mga miyembro |
1,234,545 |
Mga Mission |
23 |
Mga Stake |
221 |
Mga Ward at Branch |
2,009 |
Mga Templo |
12 ang gumagana; 1 ang ibinalita |