Kagandahan sa Buong Paligid
Kunwari bumibisita ka sa Africa. Habang tinitingnan mo ang mababangis na hayop gamit ang iyong largabista, napansin mo ang isang hugis na papalapit sa iyo. Agilang kuwago pala! Habang papalapit ito, itinaas mo ang iyong mga bisig bilang panangga. Ngunit sa halip na manakit, ang kuwago ay dahan-dahang lumapag sa iyong kamay, humuni-huni at tumingin sa iyo sandali bago muling lumipad. Ito ay talagang nangyari kay Pangulong Boyd K. Packer, Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol. Gustung-gusto niya ang mga hayop lalo na ang mga ibon.
Ang isang paraan na ipinakikita ni Pangulong Packer kung gaano niya kamahal ang kalikasan ay sa pamamagitan ng sining. Mula pa noong bata siya, gustung-gusto na niya ang magdrowing, magpinta, at umukit. “Lahat ng nakikita ko ay nagpapatunay sa aking kaluluwa na mayroong Diyos, na lumikha sa lahat ng ito,” sabi ni Pangulong Packer.