Ang Ating Pahina
Liza P., edad 7, Russia
Gustung-gusto ko ang mga kuwento sa Aklat ni Mormon tungkol kay Nephi—lalo na nang nagpunta siya sa ilang kasama ang kanyang pamilya at nang gawin na niya ang bangka.
Saúl T., edad 11, Mexico
Minsan nagbiyahe kami ng kapatid ko sakay ng bus kasama ang aming tiya papunta sa kanyang tahanan para magbakasyon ng isang linggo. Binigyan kami ni Itay ng basbas bago kami umalis. Makalipas ang ilang sandali, isang taong nakasakay din sa bus ang pumara. Habang tinutulungan siya ng katuwang ng drayber sa kanyang bagahe, may marahang bumulong sa akin, “Ninakaw ang bagahe mo.” Dumungaw ako, at naibaba nga ang aming bagahe at itinago sa damuhan. Sumigaw ako at sinabing amin ang bagaheng iyon at hindi sa taong pumara. Alam kong ang Espiritu Santo ang nagsalita sa akin, at nagpapasalamat ako.
Vaniala R., edad 10, Madagascar
Gusto nina Josheline at Camila C., mga edad 5 at 2, mula sa Bolivia, ang pagsisimba para malaman ang tungkol sa Ama sa Langit. Kaagad silang naghahanda para magsimba at tinutulungan ang kanilang mga magulang na magmadali para makarating sa oras. Gustung-gusto nilang nagdarasal, at mahal nila ang kanilang mga klase sa Primary.
Tomas P., edad 5, Argentina
Missionary, ni Emilia A., edad 11, Finland
Fidel N., edad 11, Democratic Republic of the Congo