2013
Ang Mundo ay Nilikha para sa mga Anak ng Ama sa Langit
Pebrero 2013


Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary

Ang Mundo ay Nilikha para sa mga Anak ng Ama sa Langit

Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito para matutuhan pa ang iba tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.

“Wow!” sabi ni Ana. “Tingnan ninyo, ang daming bituin.” Lahat ng miyembro ng pamilya ni Ana na nagsisiga ay tumingala. Parang milyun-milyon ang mga bituin sa madilim na kalangitan.

“Isipin ninyo,” sabi ni Inay, “bawat isa sa mga bituing iyon ay likha ng Ama sa Langit.”

“Magbanggit nga ang bawat isa sa atin ng isa sa mga paborito nating bagay na nilikha ng Ama sa Langit para sa atin,” mungkahi ni Itay.

“Alam ko na,” mabilis na sagot ni Daniel. “Gusto ko po ang malalaking alon na nakita natin sa karagatan noong isang taon.”

Hindi alam ni Ana kung ano ang pipiliin. Naisip niya ang mainit na araw, ang maliwanag na buwan, at ang mababangong bulaklak. At naalala niya kung gaano niya kagusto ang lahat ng uri ng malalambot at mabalahibong hayop. “Mga hayop!” sabi niya.

Nagsimulang ginawin si Ana, kaya’t kinumutan siya ni Itay. “Pagkatapos likhain ng Ama sa Langit ang lahat ng magagandang bagay na ito para sa Kanyang mga anak, nakita Niya na mabuti ang mga ito,” sabi ni Itay.

Maganda ang naging pakiramdam ni Ana. Hinatak niya ang kumot hanggang sa kanyang baba at tumingala sa mga bituin. “Salamat po, Ama sa Langit,” bulong niya.

Mga paglalarawan ni Bradley Clark