Paano Ko Pangangasiwaan ang Isang Miting?
Kunwari 12-anyos ka na at lumipat na mula sa Primary tungo sa Young Women o sa Aaronic Priesthood. Lalong gumaganda ang takbo ng mga bagay, at nagugustuhan mo na ang ilan sa mga bagong bagay na ginagawa mo. Kaya lang, natuklasan mo na kaakibat din ng pagbabagong ito ang mga bagong responsibilidad. Isa sa mga responsibilidad na iyon na maaaring medyo nakakatakot sa iyo ay ang maaari ka nang hilingan ngayon na mangasiwa sa mga miting.
Depende sa kung anong miting ang pinangangasiwaan mo (aktibidad sa Mutuwal, miting sa araw ng Linggo, mga miting ng quorum o class presidency), ang mga kailangan at adyenda ay medyo maiiba nang kaunti, ngunit narito ang ilang karaniwang mungkahi at tagubilin na isasaisip habang ginagampanan mo ang responsibilidad na ito:
-
Gumamit ng adyenda na nagsasaad ng mangyayari sa miting. Itanong sa iyong mga lider kung may blangkong papel ng adyenda na maaari mong sulatan.
-
Pumili ng musika na mag-aanyaya sa Espiritu.
-
Magplano para sa pambungad at pangwakas na panalangin.
-
Magbigay agad ng mga asaynment bago pa idaos ang miting.
-
Dumating nang maaga at tiyaking handa na ang lahat.
-
Ipaalam kung sino ang mananalangin, kukumpas sa musika, magtuturo, at gagawa ng iba pang mga bagay sa miting.
-
Maging mapitagan habang nangangasiwa at hayaang gabayan ka ng Espiritu. Maging mabuting halimbawa sa iba pang kabataan na dumadalo sa miting.
Ang pag-alam kung paano pangasiwaan ang isang miting ay medyo nakakatakot sa una, ngunit magiging mas madali na ito kapag lagi mo itong ginagawa, at tutulungan ka nitong matutuhan ang kakailanganin mong kasanayan bilang lider ng Simbahan sa hinaharap.