Larawan ng Propeta
Brigham Young
Pinamunuan ni Brigham Young ang mga pioneer mula sa Nauvoo, Illinois, papunta sa Salt Lake Valley. Habang siya ang Pangulo ng Simbahan noon, naglingkod din siya bilang gobernador ng Utah Territory. Ang Eagle Gate ang tanda ng pagpasok sa kanyang ari-arian. Ginamit ni Brigham Young ang kanyang tungkod upang lagyan ng tanda ang lugar kung saan itatayo ang Salt Lake Temple. Siya ay naging Pangulo ng Simbahan sa loob ng 30 taon, mas matagal kaysa iba pang mga propeta sa huling araw.