Natatanging Saksi
Paano ako matutulungan ng mga banal na kasulatan?
Mula sa “Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Nob. 2011, 6–8.
Ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay mga natatanging saksi ni Jesucristo.
Batid ng ating Ama sa Langit na haharapin natin ang mahihirap na hamon ng buhay. Naglaan Siya ng mga kagamitan upang tulungan tayong magtagumpay. Isa sa mga kagamitang ito ang mga banal na kasulatan.
Ang mga banal na kasulatan ang nagbubukas sa daluyan ng komunikasyon sa ating Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Ang mga banal na kasulatan ay maaaring maging ating tapat na kaibigan. Laging nariyan ang mga ito kapag kinakailangan.
Malaking tulong ang nagagawa ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan.
Ang pagninilay sa isang talata ay maaaring maging isang susi na magbubukas sa paghahayag at patnubay ng Espiritu Santo.