2013
Komentaryo
Pebrero 2013


Komentaryo

Pag-aralan, Pagnilayan, at Ipamuhay

Ang Liahona ay nagpapalakas sa aking espiritu at patotoo sa mga katotohanan ng ebanghelyo. Higit sa lahat, pinoprotektahan ako nito mula sa mga bitag ni Satanas sa pagtulong sa akin na bumaling sa mga bagay na talagang mahalaga. Buwan-buwan may isang mensaheng tila isinulat para lang sa akin. Alam ko na kalooban ng Ama na pag-aralan at pagnilayan natin ang mga mensahe bawat buwan at ipamuhay ang mga ito araw-araw.

Pamela Ananta Barbosa da Silva, Brazil

Isang Maliwanag na Landas

Ang mga banal na kasulatan ay kayamanang walang katumbas. Ngunit itinuturing ko ring kayamanan ang Liahona. May malaking liwanag na nagmumula sa mga pahina nito. Binibigyan tayo nito ng mga pagkakataong itama ang ating mga pagkakamali at pasakdalin ang ating sarili sa pamamagitan ng mga mensaheng naroon, tulad ng mga banal na kasulatan. Sa bawat pahina may isang mahalagang turo, isang pagkakataon, isang maliwanag na landas.

Manuel de Araújo Fernandes, Mozambique