Mensahe sa Visiting Teaching
Nagbalik-loob sa Panginoon
Mapanalanging pag-aralan ang materyal na ito at, kung angkop, talakayin ito sa kababaihang dinadalaw ninyo. Gamitin ang mga tanong upang tulungan kayong patatagin ang inyong mga kapatid at gawing aktibong bahagi ng inyong buhay ang Relief Society. Para sa iba pang impormasyon, pumunta sa reliefsociety.lds.org..
Ang baguhang kababaihan ng Simbahan—kabilang ang Young Women na papasok sa Relief Society, kababaihang nagbabalik sa pagiging aktibo, at mga bagong binyag—ay kailangan ng suporta at pakikipagkaibigan ng mga visiting teacher. “Mahalagang tumulong ang mga miyembro na panatilihing aktibo ang mga nabinyagan at maibalik sa ganap na pagkaaktibo ang mga miyembrong di-gaanong aktibo,” sabi ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol. “Isaisip na ang Relief Society … ay maaaring maging [isa sa] pinakamabisang kasangkapan sa pakikipagkaibigan natin sa Simbahan. Maagap na tulungan ang mga tinuturuan at pinaaaktibong muli, at mahalin sila sa Simbahan sa pamamagitan ng inyong organisasyon.”1
Bilang mga miyembro ng Relief Society, matutulungan natin ang mga bagong miyembro na matutuhan ang mahahalagang ginagawa sa Simbahan, tulad ng:
-
Pagbibigay ng mensahe.
-
Pagpapatotoo.
-
Pagsunod sa batas ng ayuno.
-
Pagbabayad ng ikapu at iba pang mga handog.
-
Pakikibahagi sa gawain sa family history.
-
Pagsasagawa ng mga binyag at kumpirmasyon para sa pumanaw nilang mga ninuno.
“Maalalahaning mga kaibigan ang kailangan para mapanatag ang mga bagong miyembro at madama nila na kabilang sila sa simbahan,” sabi ni Elder Ballard.2 Lahat tayo, lalo na ang mga visiting teacher, ay may mahahalagang responsibilidad na kaibiganin ang mga bagong miyembro para matulungan silang maging matatag sa “[pagba]balik-loob sa Panginoon” (Alma 23:6).
Mula sa mga Banal na Kasulatan
Mula sa Ating Kasaysayan
“Sa patuloy na pagdami ng mga nabinyagan,” sabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008), “kailangang pag-ibayuhin pa ang pagsisikap nating tulungan sila sa pagtahak sa tamang landas. Bawat isa sa kanila ay nangangailangan ng tatlong bagay: isang kaibigan, isang responsibilidad, at pangangalaga ng ‘mabuting salita ng Diyos’” (Moroni 6:4).”3
Tungkulin ng mga visiting teacher na tulungan ang mga pinangangalagaan nila. Madalas ay nauuna ang pagkakaibigan, tulad ng nangyari sa isang bata pang miyembro ng Relief Society na naging visiting teacher ng isang nakatatandang babae. Hindi sila naging magkaibigan kaagad hanggang sa magkatulungan sila sa isang proyekto sa paglilinis. Naging magkaibigan sila, at habang pinag-uusapan nila ang Mensahe sa Visiting Teaching, kapwa sila napangalagaan ng “mabuting salita ng Diyos.”
Sinabi ni Pangulong Joseph Fielding Smith (1876–1972) na ang Relief Society “ay mahalagang bahagi ng kaharian ng Diyos sa lupa at … natutulungan nito ang matatapat na miyembro upang magkaroon ng buhay na walang hanggan sa kaharian ng ating Ama.”4