2013
Ang Pinakamagandang Wika
Pebrero 2013


Ang Pinakamagandang Wika

Ni Jared Rodriguez, Maryland, USA

Dahil ang bibig na gamit natin sa pagdarasal, sa pagbabahagi ng ating patotoo, at sa pagbabasbas ng banal na sakramento ay ang bibig din na gamit natin sa pagsasalita, kailangang maging maingat tayo at panatilihing malinis at dalisay ang ating mga salita. Ang paraan ng ating pagsasalita ang nagsasabi kung sino tayo at ano ang uri ng ating pamumuhay. Sinabi ni Apostol Pablo, “Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig” (Mga Taga Efeso 4:29). Nasasaktan ang ating Ama sa Langit kapag ginagamit natin ang Kanyang pangalan sa walang kabuluhan.

Ang kabaligtaran ng kalapastanganan ay panalangin. Kapag nagdarasal tayo, ginagamit natin ang pinakamagandang wikang magagamit natin. Sa pakikipag-ugnayan natin sa ating Ama sa Langit, na nagmamahal sa atin, mahalagang gawin natin ito sa dalisay at mapagpakumbabang paraan. Sa ganitong paraan, tayo ay gagabayan at makikita natin ang walang katapusang mga pagpapala ng ebanghelyo sa ating buhay.