2017
Makagagawa ng Kaibhan ang Isang Ngiti
January 2017


Mga Kabataan

Makagagawa ng Kaibhan ang Isang Ngiti

Girls talking

Tinukoy ni Pangulong Uchtdorf ang dalawang bagay na dapat nating mithiin sa ating mga kilos: ibigin ang Diyos at mahalin ang ating kapwa. Ngunit kung minsa’y hindi talaga gayon kadaling mahalin ang iba. Sa buong buhay ninyo, maaaring may mga pagkakataon na nahihirapan kayong makipag-ugnayan sa iba—marahil sinaktan ng isang tao ang inyong damdamin o nahihirapan kayong makipag-usap o makisalamuha sa iba. Sa ganitong mga sandali, sikaping alalahanin ang pagmamahal na nadama ninyo mula sa mga kaibigan, pamilya, Ama sa Langit, at kay Jesucristo. Alalahanin ang kagalakang nadama ninyo sa gayong mga sitwasyon at sikaping wariin kung lahat ay may pagkakataong madama ang gayong uri ng pagmamahal. Alalahanin na lahat ay anak ng Diyos at nararapat kapwa sa Kanya at sa inyong pagmamahal.

Isipin ang isang partikular na tao sa buhay ninyo na nahirapan kayong pakisamahan. Isama sila sa inyong mga dalangin at hilingin sa Ama sa Langit na gumanda ang inyong pakiramdam tungkol sa kanila. Agad ninyo silang makikita ayon sa Kanyang pananaw: bilang isa sa Kanyang mga anak na nararapat mahalin.

Matapos kayong manalangin, gumawa ng mabuting bagay para sa kanila! Siguro’y anyayahan sila sa isang aktibidad ng Mutwal o isang pagliliwaliw na kasama ang mga kaibigan. Mag-alok ng tulong sa isang takdang-aralin. Batiin man lang sila ng “hello” at ngitian sila. Makagagawa ng malaking kaibhan ang maliliit na bagay … sa buhay ninyo pareho!