2017
Ang Pagsisisi ay Kaloob ng Diyos sa Atin
January 2017


Tampok na Doktrina

Ang Pagsisisi ay Kaloob ng Diyos sa Atin

Portrayal of Jesus Christ in Gethsemane

“Ang isa sa mga katagang madalas nating marinig ngayon ay ‘walang kundisyon’ ang pag-ibig ng Diyos. Bagama’t sa isang banda ay totoo iyan, ang katagang walang kundisyon ay hindi makikita sa banal na kasulatan. …

“Lagi tayong iibigin ng Diyos, ngunit hindi Niya tayo maililigtas sa ating mga kasalanan. Alalahanin ang sinabi ni Amulek kay Zisrom na hindi ililigtas ng Tagapagligtas ang Kanyang mga tao sa kanilang mga kasalanan kundi mula sa kanilang mga kasalanan, dahil marumi tayo sa kasalanan at ‘walang maruming bagay ang magmamana ng kaharian ng langit’ [Alma 11:37] o mananahan sa piling ng Diyos. …

“Mula sa Aklat ni Mormon nalaman natin na ang layon ng pagdurusa ni Cristo—ang pinakadakilang pagpapakita ng pagmamahal Niya—ay ‘ang isakatuparan ang mga sisidlan ng awa, na nangingibabaw sa katarungan, at nagbibigay daan sa mga tao upang sila ay magkaroon ng pananampalataya tungo sa pagsisisi’ [Alma 34:15]. …

“Ang pagsisisi, kung gayon, ay kaloob Niya sa atin, na binayaran nang napakamahal.”