2017
Mga Ideya para sa Family Home Evening
January 2017


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
Family at table

“Matatag sa Ating Patotoo tungkol sa Tagapagligtas,” pahina 28: Tinalakay ni Elder Golden kung paano haharapin ng bawat isa sa atin ang mahihirap ngunit mahahalagang sandali sa ating buhay. Maaari ninyong isadula ang ilang sitwasyon kung saan ang mga miyembro ng pamilya ay nahaharap sa isang mahirap na desisyon. Halimbawa, maaari kayong magsanay na magsabi ng hindi sa isang kaklase na gustong kopyahin ang homework ninyo o sabihan ang isang kaibigan na gumamit ng malinis na pananalita. Pag-usapan kung paano kayo makapaghahanda na magkaroon ng malakas na patotoo tungkol sa Tagapagligtas bago dumating ang gayong mga sitwasyon.

“Lagi bang sasagutin ng Ama sa Langit ang aking mga dalangin?” pahina 69: Paano mo nakitang nasagot ang iyong mga dalangin? Maaari kang magbahagi ng partikular na mga karanasan kung saan nasagot ng Panginoon ang iyong mga dalangin, nasagot man ang mga ito sa inaasahan o di-inaasahang paraan. Isiping hikayatin ang isa’t isa na itala sa journal ang partikular na mga paraan na nasagot ng Panginoon ang iyong mga dalangin at napagpala ka.

Print