2017
Ang Aklat sa Istante
January 2017


Ang Aklat sa Istante

“Babasahin ko, uunawaing husto” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66).

Ako ay 12 taong gulang noon nang marinig ko ang tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nakilala ko ang dalawang LDS missionary sa bus. Nagtanong sila kung maaari nilang turuan ang pamilya namin.

Iniwanan kami ng mga missionary ng kopya ng Aklat ni Mormon at ng polyeto ng patotoo ni Joseph Smith. Kahanga-hanga ang mga magulang ko. Ngunit hindi sila sumapi sa Simbahan noong panahong iyon.

Nanatili sa aming istante ang dalawang babasahing iyon sa loob ng maraming taon. At isang araw noong 18 anyos na ako, naghanap ako sa aming istante ng magandang aklat na mababasa. Kinuha ko ang Aklat ni Mormon at binasa ko ang unang kabanata. Espesyal ang nadama ko habang nagbabasa ako.Nagkaroon ako ng kakaibang karanasan kaya nalaman ko na ang aklat ay totoo.

Ang Aklat ni Mormon ay may espesyal na mensahe tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Marami pa akong natutuhan tungkol sa sariling buhay ko at tungkol sa mga pagpapala ng Ama sa Langit.

Nalaman ko kalaunan na kahit 14 anyos pa lang si Joseph Smith, nagkaroon na siya ng lakas-ng-loob na basahin ang mga banal na kasulatan at magtanong sa Ama sa Langit kung aling simbahan ang totoo.

Mula noon, palagi ko nang sinusunod ang halimbawa ni Joseph Smith. Binasa ko ang mga banal na kasulatan at humiling ako ng tulong at patnubay sa Ama sa Langit. Ang panalangin at ang Aklat ni Mormon ay napakahahalagang bahagi ng aking buhay.

Kapag may mga problema ka, basahin ang Aklat ni Mormon at manalangin. Marami ka pang matututuhan tungkol sa ebanghelyo at mahahanap mo ang mga sagot na kailangan mo, tulad ko. Tandaan ang madarama mo kapag ginawa mo ito.

Elder Gonzalez story