Ano ang pananaw ng Simbahan ukol sa depresyon, at paano ko haharapin ang depresyon?
Lahat ay nalulungkot paminsan-minsan, at ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo at suporta ng pamilya, mga lider, at iba pa ay makakatulong sa atin na muling makasumpong ng kapanatagan, kagalakan, at kapayapaan. Ngunit kinilala na ng mga lider ng Simbahan na ang matinding depresyon, o major depressive disorder (MDD), ay isang mas matinding karamdaman na makakapigil sa kakayahan ng isang tao na lubos na gampanan ang kanyang tungkulin. Iminungkahi ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilang bagay na gagawin kung nahaharap ka sa matinding depresyon:
-
Huwag mawalan ng pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
-
Gawin ang mga bagay na naghahatid sa Espiritu sa iyong buhay (manalangin, mag-aral ng mga banal na kasulatan, at marami pang iba).
-
Humingi ng payo sa iyong mga magulang at lider ng priesthood.
-
Humingi ng basbas ng priesthood.
-
Makibahagi ng sakramento linggu-linggo, at kumapit nang mahigpit sa mga pangako ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.
-
Bantayan ang mga stress indicator tulad ng pagod, at saka gumawa ng mga pagbabago.
-
Kung hindi mawala ang iyong depresyon, kausapin ang mga magulang o lider ng priesthood tungkol sa paghingi ng payo sa isang mahusay na propesyonal na may mabuting pinahahalagahan.
(Tingnan sa Jeffrey R. Holland, “Parang Basag na Sisidlan,” Liahona, Nob. 2013, 40–42.)