Pangako ng Propeta
Dalawang Bagay na Hindi Magagawa ng Pananampalataya
1. “Hindi pipilitin [ng ating Ama sa Langit] ang sinuman na piliin ang landas ng kabutihan. Hindi pinilit ng Diyos ang sarili Niyang mga anak na sumunod sa Kanya sa premortal na daigdig. Tiyak na hindi rin Niya tayo pipilitin ngayon na sumunod sa Kanya sa buhay na ito.
“Ang Diyos ay mag-aanyaya, maghihikayat. Walang-pagod na tutulong ang Diyos nang may pagmamahal at inspirasyon at panghihikayat. Pero hindi mamimilit ang Diyos kailanman—mababalewala niyan ang Kanyang dakilang plano para sa ating walang-hanggang pag-unlad. …
2. “Hindi magagawa ng pananampalataya [na] ipilit ang ating kagustuhan sa Diyos. Hindi natin mapipilit ang Diyos na sumunod sa ating mga kagustuhan—gaano man katama ang ating palagay o kataimtim ang ating dasal. …
“Ang layunin ng pananampalataya ay hindi para baguhin ang kalooban ng Diyos kundi para bigyang-kakayahan tayong kumilos ayon sa kalooban ng Diyos. Ang pananampalataya ay pagtitiwala—pagtitiwala na nakikita ng Diyos ang hindi natin nakikita at na alam Niya ang hindi natin alam.”