Digital Only
4 na Paraan para Mapaglingkuran ang mga Pamilyang May mga Kapansanan
Kailangan ng mga pamilyang may mga miyembrong may kapansanan ang inyong pagmamahal, tulong, at suporta.
Tinatayang 15 porsiyento ng populasyon sa mundo ang nabubuhay na may isang uri ng kapansanan.1 Para sa mga tagapag-alaga ng mga may kapansanang iyon, maaaring napakahirap gawin ang isang bagay na kasing-simple ng pagpunta sa sacrament meeting. Kadalasan, gustong tumulong ng mga kapwa miyembro ng ward ngunit hindi nila alam kung ano ang magagawa nila.
Maaari ding makatulong ang apat na mungkahing ito mula sa Disability Services ng Simbahan:
-
Mag-ukol ng oras para unawain talaga ang kanilang mga pangangailangan. Marahan ngunit tuwirang magtanong tungkol sa taong may kapansanan at sa kanyang partikular na sitwasyon. Sanayin ang iyong sarili sa pisikal, emosyonal, o mental na mga implikasyon ng pagsusuri sa taong iyon. Ang personal na pagkilala lang sa miyembro ng ward at pag-alam sa kanyang mga paghihirap ay magandang simula na at magbibigay sa iyo ng mga ideya kung paano tutulungan ang tao at ang mga tagapag-alaga.
-
Tratuhin ang mga may kapansanan na katulad ng pagtrato mo sa iba. Tawagin sila sa pangalan at isama sila sa mga usapan. Alalahanin na sila ay mga anak ng Diyos. Magtuon sa magagawa ng mga may kapansanan.
-
Mag-alok ng partikular na tulong. Palitan ang “sabihin mo kung may maitutulong ako” ng partikular at personal na tulong. Mag-isip ng mga bagay na kagaya ng, “Maaari ba akong magbantay ng bata para sa iyo ngayong Huwebes ng gabi kapag nagpunta ka sa templo?”
-
Magsimula sa maliit at maging malikhain. Kung ang pamilya ay may anak na naka-wheelchair, maaari mong ireserba para sa kanila ang lugar na para sa mga naka-wheelchair tuwing sacrament meeting. O kung ayaw ng isang miyembro ng klase na magbasa nang malakas, patulungin silang magpasa ng mga handout.
Kapag nagsikap kang malaman kung paano maglingkod sa mga pamilya at tagapag-alaga ng mga may kapansanan, gagabayan ka ng Espiritu.