2018
Nagkakaisa sa Paggawa ng Kabutihan
Hunyo 2018


Sa Pulpito

Nagkakaisa sa Paggawa ng Kabutihan

Emma Smith

Hangaring Gumawa ng Kabutihan

[Marso 17, 1842]

“Sabi ni Pangulong3 Emma Smith may gagawin kaming hindi pangkaraniwan. Kapag nasadlak ang isang bangka sa mababaw at mabatong bahagi ng ilog na sakay ang napakaraming Mormon, ituturing nating paghingi iyan ng saklolo. Umaasa tayong magkakaroon ng mga pambihirang pagkakataon at mahihirap na gawain. …

“Nagsalita [siya] tungkol sa layunin ng samahan, sa mga tungkulin nito sa iba, gayundin sa mga kaukulang tungkulin nito sa bawat isa, gaya ng, hanapin at bigyang-ginhawa ang mga nagdurusa, na bawat miyembro ay dapat magkaroon ng ambisyong gumawa ng kabutihan, … [at] tapat na makitungo sa isa’t isa.”

Painting of Emma Smith caring for the sick in Commerce, Illinois

Noong Hulyo at Agosto ng 1839, naging epidemya sa bayan ng Commerce (kalaunan ay ang Nauvoo), Illinois, ang malaria. Sa painting na ito, si Emma ay napalilibutan ng mga biktima ng malaria, at nagbibigay ng tulong at ginhawa.

Emma Smith, the Elect Lady, ni Theodore S. Gorka; kuwadro mula sa Getty Images

Magkaisa

[Marso 24, 1842]

“Tumayo si President E. Smith … at sinabi na ang mga planong magkaroon ng pagkakaisa sa samahang ito ay kailangang gawin nang buong ingat. Na dapat ay nasa ganap na pakikipagkapatiran ang bawat miyembro. Bilang isang samahan, umasa [siya] na aalisin nila sa kanilang sarili ang lahat ng inggit at masamang damdamin sa isa’t isa, kung mayroon man. …

“… Hindi kailangang mag-atubiling magtanong ang sinuman tungkol sa samahang ito. Walang pribado rito. Ang mga layunin nito ay puro kabaitan … , ang mga layunin nito ay mapagkawanggawa: walang maaaring tumutol sa pagsasabi ng mabuti, at pagpigil sa masama. Umasa siya na madarama ng lahat na obligasyon nilang sundin ang patakarang ito. … Tungkulin ng bawat tao na alamin ang kundisyon ng mga maralita at ipakita ang kanilang tunay na kalagayan.”

Magsimula sa Tahanan

[Abril 14, 1842]

“Hangad ni Pangulong E. Smith na gumawa ng kabutihan. Ninais na lahat ng miyembro ng samahang ito ay tumulong sa kanya. Sinabi na kailangang magsimula sa tahanan, na pawiin ang lahat ng kasamaan sa ating puso. … Ipinatupad ang pangangailangang mamuhay sa paraang tanggap ng Diyos.”

Magsisi at Talikuran

[Mayo 19, 1842]

“Nagpatuloy si Mrs. President sa pagpapayo sa lahat ng nagkasala na magsisi at talikuran ang kanilang mga kasalanan. Sinabi na ang mga puwersa ni Satanas ay laban sa Simbahang ito.”

Mamuhay nang Tama sa Harap ng Diyos

[Hunyo 23, 1842]

“Sabi ni Mrs. President na nagalak daw siyang makita ang tumitinding pagkakaisa ng samahan. Umasa na mamuhay tayo nang matwid sa harap ng Diyos, sa ating sarili, at sa harap ng mundo. … Sinabi na wala tayong gagawin kundi matakot sa Diyos at sundin ang mga kautusan, at sa paggawa nito ay uunlad tayo.”

Palakasin ang Isa’t Isa

[Marso 16, 1844]

“Nagsalita si Mrs. President … sa pulong tungkol sa pangangailangang magkaisa tayo at palakasin ang isa’t isa para marami tayong magawang kabutihan sa mga maralita. … Kailangan nating mahalin ang ating kapwa para maprotektahan ang mga magsisisi at hindi na magkasala. … Pinayuhan niya ang lahat na mamuhay alinsunod sa mga turo sa Aklat ni Mormon at sa Doktrina at mga Tipan.”

Mga Tala

  1. “Lucy Mack Smith, History, 1845,” 190, josephsmithpapers.org.

  2. Sinipi mula sa Nauvoo Relief Society Minute Book, Mar. 17, 1842–Mar. 16, 1844, 8–[126]; pinagpare-pareho ang pagpapalaki ng mga letra at pagbabantas.

  3. Ang mga babaeng lider noong ikalabingsiyam na siglo ay madalas maghawak ng iba’t ibang titulo. Sa Nauvoo Minutes, para matukoy siya sa kanyang asawa, si Emma ay tinawag na Presidentess, President Emma Smith, Mrs. President, at President Smith.