Ano ang kaloob ng pagkilala?
Nagsasalita ang mga banal na kasulatan tungkol sa “pagkilala sa mga espiritu” bilang isang kaloob ng Espiritu (I Mga Taga Corinto 12:10; D at T 46:23). Ang ibig sabihin nito ay “ang maunawaan at malaman ang isang bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu. … Napapaloob dito ang tunay na pagkilala sa tunay na pag-uugali ng mga tao at ang pinagmulan at kahulugan ng mga espirituwal na pagpapatunay” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagkilala, Kaloob ng,” scriptures.lds.org).
Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang kaloob na makahiwatig ay makakatulong sa atin na (1) “makita ang tagong pagkakamali at kasamaan sa iba,” (2) “makita ang sarili nating mga tagong pagkakamali at kasamaan,” (3) “malaman at mailabas ang kabutihang maaaring nakatago sa iba,” at (4) “malaman at mailabas ang kabutihang maaaring nasasaloob natin” (“Mabilis Magmasid,” Liahona, Dis. 2006, 19).