2018
Sinunod ni Moises ang Diyos
Hunyo 2018


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Sinunod ni Moises ang Diyos

Mula sa Exodo 2–34.

Moses Follows God 1
Moses Follows God 2
Moses Follows God 3

Isang araw, natagpuan ng isang prinsesa ng Egipto ang isang sanggol na Hebreo sa isang tampipi. Pinangalanan niya itong Moises at pinalaki na isang prinsipe.

Nang lumaki si Moises, hindi niya nagustuhan ang pagtrato ng mga Egipcio sa mga Hebreo, na kanilang mga alipin. Nang ipagtanggol sila ni Moises, ninais ng hari ng Egipto na ipapatay siya. Kinailangang tumakas ni Moises. Pagkatapos ay sinabihan siya ng Diyos na bumalik at palayain ang mga Hebreo.

Hiniling ni Moises sa Faraon, ang hari, na palayain ang mga Hebreo. Tumanggi ang Faraon. Tinulungan ng Diyos si Moises na isumpa ang lupain para magbago ng isip ang Faraon. Napuno ng mga langaw, kuto, at pagkatapos ay ng mga palaka ang lupain. Sa wakas ay sinabi ng Faraon na makakaalis na ang mga alipin.

Sa kanilang pag-alis, nagbago ang isip ng Faraon at ipinahabol sila sa kanyang hukbo. Nang dumating sa Dagat na Pula ang mga tao ni Moises, gumawa ng tuyong daanan sa dagat ang Diyos para makatakas sila.

Ibinigay ng Diyos kay Moises ang Sampung Utos. Itinuro ito ni Moises sa mga tao habang naglalakbay sila patungong lupang pangako. Sa wakas ay ligtas na sila at malaya!

Kaya kong maging katulad ni Moises. Kaya kong sundin ang mga kautusan. Tutulungan ako ng Diyos kapag nanindigan ako para sa mga nangangailangan ng tulong.