Ayon sa Wangis ng Diyos
Ang katawan. Kahanga-hanga ang bagay na ito, hindi ba? Ilang beses mo na bang narinig na sabihin ng isang tao na, “Uy, tingnan mo ito!”? Anuman ang susunod ay maaaring talagang kahanga-hanga o kalokohan lang, pero patuloy nating natutuklasan kung ano ang kayang gawin ng ating mga katawan.
Tayo ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos. Paano natin pinapanatili ang ating mga katawan sa landas tungo sa pagiging katulad ng ating mga Magulang sa Langit? Paano natin iniiwasang gamitin ang ating mga katawan sa mga paraang hindi nararapat?
Ang mga tanong na iyon ay bahagi ng dahilan kung bakit nakatuon ang mga bahagi para sa mga kabataan at sa mga young adult para sa buwang ito sa pagtuturo tungkol sa katawan (tingnan sa mga pahina 42 at 50). Sa buwang ito, ipapakita namin kung gaano kahanga-hanga, mahimala, at literal na banal ang katawan. Nawa’y maging kapaki-pakinabang na sanggunian ang mga mensaheng ito para sa inyo at sa inyong pamilya habang natututo kayo tungkol sa kasagraduhan ng katawan.
Sa pahina 50, hinihikayat tayo ni Pangulong Russell M. Nelson na maging bihasa sa pagkontrol ng mga pagnanasa ng ating mga katawan at alalahanin na ang ating mga katawan ay hindi ang ating pangwakas na mithiin. Itinuturo niya na ang ating mga espiritu ay nagbibigay-buhay sa ating mga katawan at siyang gumagawa ng mga pagpili. Ang payo ni Pangulong Nelson bilang propeta ay maaaring makatulong kapwa sa mga kabataan at sa mga adult.
Nawa’y makatulong ang mga salita ni Pangulong Nelson at ang iba pang mga mensahe sa isyung ito na manampalataya kayo pagdating sa pagtuturo at pag-unawa tungkol sa kagila-gilalas na kaloob na ating mortal na katawan.
J. Ryan Jensen
Mga Magasin ng Simbahan