2019
Ano ang gagawin ko kung hindi ko gusto ang hitsura ng aking katawan?
Agosto 2019


“Ano ang gagawin ko kung hindi ko gusto ang hitsura ng aking katawan?”

fruit arranged by size

Larawan mula sa Getty Images

Tanggapin ang Iyong Katawan

Tanggapin ang iyong katawan sa kung ano ang hitsura nito. Sa tuwing haharap ako sa salamin, sinasabi ko, “Ama sa Langit, salamat po sa pagtulong Ninyo na mapabuti ako.”

Temperance B., edad 18, Victoria, Australia

Isipin Mo na Ito ay Templo

Isipin kung paano naging templo ang katawan mo (tingnan sa I Mga Taga Corinto 3) at kung paano ring ang Panginoon ay tumitingin sa puso (tingnan sa I Samuel 16), hindi sa katawan!

Vico W., edad 17, North Rhine-Westphalia, Germany

Alagaan Ito

Inaalagan ko ang katawan ko sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at pagkain ng masustansya. Kapag inalagaan ko ang katawan ko lalo kong ipinapagpasalamat ito. Kapag inaalagan ko ang templo na ipinagkaloob sa akin ng Ama sa Langit, nababago ang ugali ko at mas nakikita at napapahalagahan ang pagkakaroon ng katawang nilikha ng Diyos.

Camille A., edad 16, Florida, USA

Magkaroon ng Respeto sa Sarili

Nahirapan ang kaibigan ko dahil nag-alala siya sa kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa kanya, at nawalan siya ng respeto sa sarili. Ang nakatulong nang malaki sa kanya ay ang pag-alaala na ang Diyos, ang kanyang mga kaibigan, at kanyang pamilya ay naroon lahat para mahalin at suportahan siya.

Matthew V., edad 16, Missouri, USA

Ikaw ay Minamahal

Kapag naririnig ko ang mga kaibigan ko na nagsasabing may hindi sila gusto sa kanilang katawan o na naiinis sila dito, gusto ko silang tulungan na malaman na mahal sila ng Ama sa Langit. Gusto kong isipin na mahal Niya ako at na gusto Niya akong maging maligaya, anuman ang mga pisikal na katanungan ko. Dapat nating pangalagaan at mahalin ang ating katawan dahil ito ang ating templo.

Ignacio P., edad 14, Chaco, Argentina

Hindi Ito ang Naglalarawan ng Buong Pagkatao Mo

Alalahanin na hindi inilalarawan ng katawan mo ang buong pagkatao mo. Katawan mo ito ngunit hindi ikaw ito bilang tao, bilang anak ng Diyos sa espiritu.

Sailor O., edad 18, New York, USA

Gawin ang mga Bagay na Ikinasisiya Mo

Ang pamamalagi sa labas at paggawa ng mga aktibidad na gusto ko, gaya ng pagbibisikleta o paglalakad kasama ang aso ko, ay palaging tumutulong sa akin na maging maganda ang pakiramdam ko sa katawan ko. Mas gumaganda pa kapag kasama ko ang mga kaibigan ko sa paggawa ng mga bagay na ito dahil ipinapaalala nito sa akin na napalilibutan ako ng mga taong may malasakit sa akin at walang pakialam kung ano ang hitsura ko.

Itzcel O., edad 18, Arizona, USA