Narito ang Simbahan Salta, Argentina Larawan mula sa Getty Images Narito ang ilang impormasyon tungkol sa Simbahan sa Argentina: 2 Mga templong ginagamit 452,000 Mga miyembro ng Simbahan 769 Mga kongregasyon 14 Mga mission 1923 Lumipat sa Argentina ang dalawang pamilyang Aleman na mga miyembro ng Simbahan. 1925 Ipinadala si Apostol Melvin J. Ballard sa Argentina; anim na miyembro ang nabinyagan. 1939 Itinayo ang unang chapel sa Timog Amerika, sa Buenos Aires. 2018 Ibinalita ang pagtatayo ng Salta Argentina Temple. Ang El Portezuelo Ward chapel Isang ospital kung saan madalas mag-donate ng dugo at mga damit ang mga miyembro Sa Espanyol, ang lungsod ay madalas tawaging Salta la Linda, “Salta na Maganda.” Mas magiging maganda pa ito kapag nagtayo na rito ng templo.