2019
Ang Iyong Katawan ay Isang Templo
Agosto 2019


Ang Iyong Katawan ay Isang Templo

Itinuro ni Apostol Pablo na ang ating mga katawan ay mga templo ng Diyos (tingnan sa I Mga Taga Corinto 6:19). Narito ang isang laro na maaari mong laruin para mas may matutuhan ka pa.

Your Body Is a Temple
Your Body Is a Temple activity
  1. Gupitin ang mga kard na nasa kasunod na pahina at ilatag ang mga ito para makita at maabot ng lahat.

  2. Magsalitan sa pagpapagulong ng dice. Matapos pagulungin ng isang tao ang dice, hanapin ang numerong iyan sa “Mga Katotohanan tungkol sa Templo” at basahin ito nang malakas.

  3. Hanapin ang kard na nagtuturo ng kaparehong katotohanan tungkol sa mga katawan. (Hint: Hanapin ang magkakatugmang simbolo.) Kapag nahanap mo na ang katugma, abutin at tapikin ang kard! Pagkatapos ay basahin nang malakas ang kard at gawin ang aktibidad.

  4. Patuloy na magpagulong ng dice at magtapik ng kard hanggang sa makabahagi ang lahat, o hanggang sa mabasa mo lahat ang kard.

Mga Katotohanan tungkol sa mga Templo

  1. Bawat templo ay bahay ng Panginoon.

  2. Ang mga templo ay iba ang hitsura sa labas. Ang ilan ay may mga hardin at fountain. Iba-iba ang mga hugis at kulay ng mga ito. Lahat ng templo ay maganda.

  3. Araw-araw, pinapangalagaan ng mga tao ang labas ng templo at pinapanatiling maganda ito.

  4. Nililinis din ng mga tao ang loob ng mga templo! Sinisiguro ng mga trabahador at boluntaryo na malinis at maayos ang lahat.

  5. Ang mga templo ay ginagamit para sa gawain ng Ama sa Langit.

  6. Ang mga templo ay espesyal, sagradong lugar na dapat igalang.

Bawat katawan ay templo na pinananahanan ng espiritu ng taong iyon. Ang Espiritu Santo ay maaari ding manahan sa atin. Anyayahan ang isang tao na ikuwento ang isang pagkakataon na nadama nila ang Espiritu Santo.

Iba-iba ang mga kulay, hugis, at sukat ng mga katawan. Anuman ito, bawat katawan ay maganda. Magbigay ng isang bagay na magagawa ng katawan mo.

Magagawa nating panatilihing malusog araw-araw ang ating mga katawan sa pamamagitan ng paliligo, pagkain ng masustansya, at pag-eehersisyo. Magbanggit ng isang bagay na mabuting kainin o inumin at isang bagay na hindi mo dapat kainin o inumin.

Mapapanatili nating malinis ang ating mga isipan sa pamamagitan ng pagbabasa, panonood, at pakikinig ng mga bagay lamang na nakapag-aanyaya ng Espiritu. Umawit ng isang taludtod mula sa paboritong himno sa Primary.

Magagamit natin ang ating mga katawan sa pagtulong sa mga tao at paggawa ng gagawin ni Jesus. Purihin ang isang tao at makipag-apir!

Dapat alagaan ang iyong katawan nang may pagmamahal at paggalang. Kung may nanakit sa iyo o humawak sa katawan mo na hindi ka komportable, sabihin ito kaagad sa isang nakatatanda na mapagkakatiwalan mo! Umulit.